chapter 18: Sorry

818 16 0
                                    

Ana POV

Napaupo ako sa damo kakaiyak, nilibot ko yung paningin ko kung nasaan ako doon ko lang napansin na nasa isa akong bundok na walang katao-tao.

Ganun na ba ako kasama para pag-bintangan? O gawa-gawa mo lang lahat pia kasi na-iinggit ka sakin sa wala? Ikaw na ang gusto niya pia bakit sinisiraan mo pa ko sa kaniya? Ang hindi ko lang matanggap bakit siya lagi ang kinakampihan, siya lagi ang tama sa mata nila lalo na kay grey. Shunga ka ba ana? Malamang gusto niya yun eh, ikaw isa ka lang salot sa buhay niya.

"Ate ana?" Napatigil ako kakaiyak ng may lumapit na bata sakin at dun ko lang napagtanto na si leah pala. Pinunasan ko yung luha ko saka ngumiti ng pilit. "Umiiyak po ba kayo?"

"Anong ginagawa mo dito?" Iniba ko agad yung sinabi niya.

"Nag-hahanap po kasi ako ng makakain kasi po nagugutom na ako"

"Ah eh? Wala naman puno dito sa bundok eh? Teka nga nasaan ba yung mga magulang mo?"

"Si tatay po kasi laging wala sa bahay tapos si nanay naman po may iba ng asawa at si ate naman po nasa trabaho niya kaya po wala akong kasama" malungkot na sabi niya. Nalungkot din ako. Bakit naman nila pinapabayaan ang ganitong edad?

"Ano bang ginagawa ng tatay mo?"

"Lagi niya pong kasama yung mga  kompare niya saka po sila umiinom" napabuntong hininga ako saka hinawakan yung bangs niya.

"Kung ganun ay halika, pupunta tayo sa.." Napatigil ako sa sinasabi ko saka muling tumingin sa mata niya na parang naghihintay ng kasunod
"Maghahanap tayo ng tindahan"

"Talaga po? Lilibre niyo po ako?"

"Haha, oo naman. Let's go?" Tumayo ako saka pinagpag yung pants ko.

"Let's go" natawa ako sa sinigaw niya. Habang naglalakad kami nasabat namin sina brandon kasama yung mga kompare niya. Nagulat ako ng magtago si leah sa likod ko.

"Bakit mo kasama yan?" Galit na tanong ni brandon kay leah habang nakaturo sakin. "Diba sabi ko sayong huwag kang lalabas?" Kumunot yung noo ko ng umiyak si leah.

"S-sorry po, t-tatay" umiiyak na sabi ni leah na kinagulat ko.

"Ikaw ang tatay niya?" Gulat na tanong ko kay brandon na ngumisi sakin bigla.

"Oo, anak ko ang batang iyan, may problema ba doon miss ana?" Hinawakan niya si Leah saka pinalo-palo sa pwet. Kahit na anong iyak ni leah hindi niya iyon pinapansin.

"Ano bang ginagawa mo sa anak mo?"

"Wala kang pakialam at wala kang karapatan na pag-sabihan ako kung ano ang ginagawa ko"

"Wala ka ring karapatan na saktan ang batang iyan. Oo, anak mo yan pero hindi naman atah tama ang ginagawa mo"

"Ang kapal ng mukha mong pakialaman lahat ng sinasabi ko"

The Cold GuyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum