chapter 38: All Black

633 16 0
                                    

Trisha POV

Matapos naming tumambay sa campus nag-desisyon kaming pumunta ng mall para mag-shopping hehe.

"Love, ang dami na naman niyan" sita sakin ni josh na kina-nguso ko.

"Eh, hindi ka pa ba sanay?"

"Love, syempre sanay na pero sana huwag yung lahat ng makikita mo bibilhin mo!"

"Oh eh, anong gusto mong gawin ko? Magpalamig lang sa mall? Tapos titingin-tingin sa gusto kong bilhin?"

"Binili mo na lang sana lahat ng nandito!"

"Aba, gusto mo?"

"Isa"

"Whatever, josh" irap kong sabi bago lumapit kay mira na namimili. "Hi mira"

"Oh, ang dami naman atah niyan?" Turo niya sa sampung shopping bag na dala ko na kina-irap ko.

"Duh! Ang konti pa nga nito eh!"

"Eh?"

"Yes, lalo na kapag kasama ko si ana at elle mag-shopping halos lahat ng laman ng mall bibilhin namin lalo na si ana"

"Sabagay may point ka, si Joyce lahat gustong bilhin kapag nasa mall"

"Oo kahit maubos niya na lahat ng laman wala siyang pakialam, haha" nagtawanan kaming dalawa sa sinabi ko dahilan para lumapit yung dalawang babae na sina sam at pia.

Hanggang ngayon hindi pa din kami close ni pia dahil naiinis ako sa ginawa niya sa kapatid ko. Gusto ko siyang saktan pero hindi pwede dahil panigurado magkaka-gulo lang ang lahat. Alam ko na may binabalak noon si ana sa kaniya pero hindi niya natapos dahil agad nahuli ni trace sina pia at Drake. Magiging maganda sana yung palabas kung hindi agad nalaman ni trace.

"Are you done?" Ngiting sabi ni sam samin na kinatango namin ni mira.

"Of course, how about the boys?"

"Ahm, I don't know, you know they acting like a girls now, haha" nagtawanan kami sa sinabi niya na agad lumapit yung boys samin.

"Narinig namin yun!" Singit ni vince na kinatawa namin lalo.

"So, what next?" Ngiting sabi ni josh saka ako inakbayan.

"Kumain muna tayo" tumango-tango kami sa sinabi ni karl. Pumunta kami sa fast food restaurant dahil gutom na daw talaga sila. Nang makadating yung order namin agad kaming kumain na.

"Wala ba kayong pasok kanina?" Tanong ko kila vince na tumango agad.

"Yes, dahil naghahanda pa sila sa acquaintance party"

"Mauuna pala mag-acquaintance party ang international gold university, kesa sa inyo?" Tukoy ko sa campus nila ana na tinanguhan niya.

"Sino partner mo?" Tanong ni Josh dito.

"Si ana sana" sinamaan ko siya ng tingin na kinatawa niya. "Just kidding, pwede bang ikaw nalang sam?"

"Pwede ba?"

"Oo naman, tsk"

"Okay" tumingin ako kay karl na nahihiyang magsabi kay mira na kinangisi ko.

"Mira, yayain ka din daw ni karl maging date. Payag ka ba?" Ngisi baling ko kay mira na gulat na gulat sa sinabi ko. Tumingin siya kay karl na tumango na lang na kinatawa ko ng palihim.

"O-okay"

"Sure ka?"

"Bakit parang ayaw mo?"

"Ah? Hindi naninigurado lang"

The Cold GuyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ