chapter 19: Heart beat

806 22 0
                                    

Trace POV

Napapansin ko na lang bawat oras-oras may katawag si pia pero lagi niyang dinadahilan na si mama niya yun. Bakit iba yung ngiti o tawa niya kung mama niya yun. Oras-oras siyang kinakamusta ganun? tapos ang tagal pa mukhang ayaw niya na nga putulin yung pag-uusap nila.

"Oo naman, sweetie... Okay... I love you too" kumunot yung noo ko ng sabihin niya yun, nakatalikod siya sakin kaya hindi niya alam na nandito ako sa likod niya.

Sweetie? I love you too? Bakit naman sweetie ang itatawag niya sa mama niya? Bakit kailangan niyang sabihin iyon ng kinikilig?

Araw-araw na lang siyang ganiyan may tinatago ba siya sakin?

"Okay, bye, I love you too" yun lang saka niya binaba yung phone

"I love you too?"

Again? Tsk.

Gulat siyang napaharap ng sabihin ko yun. Kita ko din na nanlaki pa yung mata niya saka lumulunok-lunok pa.

"K-kanina k-ka p-pa d-diyan?" Utal-utal niyang sabi. Napamulsa ako sa pants ko saka ngumiti na parang walang narinig kunwari.

"Kakadating ko lang" pagsisinungaling ko. Nakahinga siya ng maluwag dahil dun.

May tinatago toh, panigurado.

"Kamusta yung pag-uusap niyo ng MAMA mo" diin ko sa word na 'mama'. Napalunok ulit siya saka nag-aalinlangan kung titingin ba siya sa mata ko.

Weird, tinatanong ko lang siya kung kamusta yung pag-uusap nila pero ganiyan na yung reaksyon niya.

"A-ayos naman, by the way, may sasabihin ka ba?" Kunot noo ko siyang tinignan sa sinabi niya.

"Yes, magbihis ka na, magsisimula na yung sayawan" yun lang saka ko na siya tinalikuran.

"T-trace" tawag niya na kinatigil ko, pero hindi ko siya hinarap.

"Yes?"

"S-Sigurado ka ba t-talaga na kakadating mo lang, I mean m-may narinig ka ba?" Kunot noo ko siyang hinarap.

"Sinabi ko naman na kakadating ko lang, may dapat din ba akong marinig bukod sa 'I love you too'?"

"A-ah, w-wala naman naninigurado lang"

"Bakit kailangan mo pang manigurado? Wala ka bang tiwala sakin?" Gulat siyang nag-angat ng tingin ng sabihin ko yun ng malamig na salita.

"M-meron, s-sorry"

"Okay" yun lang saka ko siya tinalikuran ng makita ko si ana na kausap si leah.

"Saan kaya tayo maghahanap ng susuotin mo? Hmm.." Luminga-linga siya ng magtama yung paningin namin. Nagulat pa siya pero agad napalitan ng ngiti. "Grey" tawag niya sakin sabay kaway sakin

Lakas ng topak. Siya lang nagtatawag ng grey sakin.

"Yes?" Lumapit ako sa kanila na naka-pamulsa.

"Eh, pwede bang bantayan mo muna si leah, please" taas kilay ko siyang tinignan.

"Bakit? Saan ka na naman ba pupunta?" Napatigil siya sa sinabi ko saka natulala sakin.

Sabi ko na nga ba may gusto toh, sakin. Tsk. Tsk. Tsk.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now