chapter 42: Spin the Bottle

538 16 0
                                    

Elle POV

Matapos namin bumili ng regalo para sa birthday ng mommy ni miguel. Pumunta na agad kami sa mansion nila. At heto ako ngayon kinakabahan dahil ito ang una naming pagkikita.

Shemss, baka ayaw nila sakin para sa anak nila, tapos sasabihin niya sakin hindi ka nararapat sa anak ko! Miguel makipag-hiwalay ka sa kaniya kundi papadala ka na namin sa ibang bansa! Hays elle, erase-erase-erase ano bang pinag-iisip mo, wala ka sa showbiz okay! Pero kasi wahhh, kinakabahan ako.

"Wala ba kayong balak pumasok?" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni miguel at talagang masaya pa siya!

"Eh, tignan mo si elle, hindi na alam kung aatras na ba o hindi" nagtawanan sila sa sinabi ni pia.

"Relax, wala ka dapat ipag-alala, baby dahil mababait sila!"

"Eh, kung ikaw nasa posisyon ko? Naku baka maihi ka ng wala sa oras!" Mas lalo silang nagtawanan sa sinabi ko.

"Oh, sige! Maiwan muna kayo dito ni ana! Okay? Sila muna ang papasok!" Ngiting sabi niya pero at least na mabawasan yung kaba ko! Mas lalo pa akong kinabahan.

"Hays, okay" lumapit ako kay ana saka siya hinawakan sa kamay. Pinanood namin silang lahat na pumasok sa loob ng mansion.

"Relax, okay? Para namang bumaba yung confident mo sa ginagawa mo"

"Kung ikaw kaya nasa posisyon ko ngayon, naku talaga"

"Nasubukan ko na yan! Remember? Yung pinakilala ako noon ni vince sa parent niya!"

"Hays ana, iba sila dahil butong-buto sayo si tita"

"Whatever elle, pareho lang yun!" Magsasalita pa sana ako ng marinig namin ni ana yung pinag-uusapan nila sa loob.

"Hi po, tita" magalang na sabi ni ate Trisha dito at nasisiguro ko na yung mommy na ni miguel yun. "Happy birthday"

"Thank you, hija"

"Ah, mom. New friends ko sila, pia, drake, vince, sam, karl, mira and jane girlfriend of jake"

"Wow, nice to meet you"

"Nice to meet you too, tita. By the way happy birthday" sabay-sabay nilang sabi na kinatawa ni tita.

"Thank you, thank you. At isa pa hindi ko akalain na may girlfriend na ang isang jake Lee"

"Tita!" Maktol ni jake na kinatawa nila. Pati din kami ni ana natawa ng mahina.

"By the way, kayo lang?" Parang malungkot na sabi ni tita na mas lalo kong kinabahan. "I mean, nasan yung girlfriend mo, baby? Pati yung friend mo na isa"

"Ah, mom hindi sila makakapunta dahil busy sila, you know kailangan sila sa America dahil sikat sila"

"Oh, sayang" malungkot na sabi ni tita na kinangiti ko.

"Bwiset talaga yang miguel na yan!" Bulong ko kay ana na tumawa na lang.

"Tita, totoo ba na idol mo sila?" Takang tanong ni jake dito.

The Cold GuyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora