chapter 10: A Promise

934 28 0
                                    

Trace POV

Nagising ako ng maramdaman kong wala na si ana sa tabi ko. Saan na naman ba pumunta iyon? Kumuha ako ng damit para maligo at magbihis. Matapos ay lumabas na ako, nakita ko agad si ana na nagpapa-kain ng kabayo.

"Good boy hehe, oh ito pa" napailing ako dahil magaling na nga.

Ang lakas talaga ng kamandag ko pati may sakit napapagaling matapos kong mayakap, tsk.

"Baka gusto mong bumalik na tayo" halos tumalon siya dahil sa gulat ng magsalita ako.

"Grabe ka, aatakehin ako sa gulat"

"Eh, sino ba may sabing magulat ka?"

"Malamang mag-isa ako dito tapos bilang kang sisigaw"

"Tsk, bilisan mo diyan babalik na tayo sa hotel. Masakit pa ba ulo mo?" Ngumiwi siyang umiling na kinangisi ko "lakas talaga ng kamandag---"

"Hep, hindi ako gumaling sa kamandag mo dahil uminom ako ng gamot, remember?" Inis ko siyang tinaasan ng kilay na kinangisi niya.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?"

"Sabagay, may epekto din yung yakap mo dahil kahit papano hindi na ako nilalamig"

"Umamin ka nga, crush mo ko noh?" Ngisi kong sabi na agad napalitan ng cold ekspresyon dahil tumawa siya habang nakaturo yung kamay niya sakin habang may hawak na damo.

"Libre mangarap, haha" ngumiwi nalang ako sa kaniya. Ni-lock ko na yung pinto ng secret house bago lumapit sa kaniya na hawak na yung kabayo.

"Dahil sa sinabi mo, maglalakad ka pabalik" ngisi kong sabi saka sumakay sa kabayo na kinagulat niya.

"Nagjo-joke lang naman ako eh"

"Tsk, ang pangit ng joke mo"

"Eh?"

"Anong eh? Maiwan ka diyan" tumalikod na ako sa kaniya tsaka pinalakad yung kabayo. Narinig ko yung sapatos niya na papalapit sakin na kinangisi ko.

"Hey, sorry na nagjo-joke lang naman ako eh" ngisi ko siyang nilingon na nasa gilid ko siya na naglalakad.

"Umamin ka muna, gusto mo ko noh?"

"Sabi ko naman sayo li---"

"Sige, kita nalang tayo sa hotel"

"Wait, wait, wait. Hindi ko nga alam yung daan pabalik ng hotel eh" natatawa ko siyang nilingon sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo tinignan?"

"Eh, kasi ano"

"Ano?"

"Kasi nakapikit ako habang pinapatakbo mo yung kabayo ng mabilis, natatakot ako baka mag-wala siya"

"Bakit ka naman matatakot?" Napatigil siya sa paglalakad ganun din ang kabayo na parang may isip kung may huminto yung kasama niya hihinto din siya. Tumingin siya sakin tsaka muli naglakad ganun din ang kabayo tsk.

"Nung nasa america kami may paligsahan ng mga kabayo kaya sumali si PJ na kaibigan namin ni elle todo cheer kami ng mag-sstart na ang paligsahan nila. Sabi niya pa samin kinakabahan daw siya pero hindi na namin yun pinansin kasi nga magsi-simula na. So yun nga nagsimula na nga yung paligsahan. Nang malapit na si pj sa finish line biglang nagwala yung kabayo kaya nahulog siya, halos hindi namin alam kung anong gagawin namin nun ng makita namin siyang walang malay na nakahiga sa sahig. Natauhan lang kami ng may dumating ng ambulance para ihatid siya sa hospital, wala kaming ginawa nina elle kundi umiyak ng umiyak"

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon