chapter 25: Swimming

798 25 0
                                    

Trace POV

Napatitig ako sa katawan ni ana na nakakaakit dahilan para mapalunok ako.

Hindi trace! Bakit siya magsusuot ng ganiyan tignan mo ang daming tumitingin sa kaniya!

Napatingin muli ako sa mukha niya dahilan para bumilis yung tibok ng puso ko ng magtama yung paningin namin. Nag-iwas ako ng tingin ng lumapit sa kaniya si drake na mukhang manyak kung makatingin kay ana na kinainis ko.

Bakit ka ba naiinis trace ah? Nababaliw ka na!

"Let's go?" Napatingin ako kay pia na nasa tabi ko pala, napailing ako dahil nakapocus ako ng todo kay ana kanina pa.

"Yes, let's go" inalalayan ko siyang bumaba sa pool, dahilan para mapatingin ako sa katawan ni pia na sexy din pero mas nakaka-attract talaga yung katawan ni ana.

"Mukhang wala ka sa sarili dre" napatingin ako kay miguel sa bulong niya.

"Shut up" tumawa na lang siya na kinailingan ko. Napatingin muli ako kay ana na lumalangoy na kasama yung drake na yun.

"Bakit kasama niya si ana?" Takang tanong ni vince na kinakibit balikat ko

"Kanina niya pa kasama yan" sagot ko na lang napatingin muli ako kay pia na ang sama ng tingin kay ana na pinag-kunotan ko ng noo.

"Dun lang ako" turo niya malapit kila ana.

"Samahan na kita" ngumiti siya saka tumango. Hawak kamay kaming lumangon papalapit sa kanila na huminto sa dulo. Wala ding katao-tao dahil nasa harap lahat sila.

"OMG, ang hot ni kuya oh"

"Oo nga, look may kasama siyang girl, hindi naman maganda"

"True, mas maganda pa ko"

"Is that fafa's trace?"

"Oo nga, damn he's so hot"

"Kyahh, pahingi nang kanin ang daming ulam"

"Ang hot-hot ni fafa trace"

Rinig kong sabi habang lumalangoy kami ni pia papalapit kila ana. Naghabol kami ng hininga ng makarating kami sa kanila.

"Hi, can we join?" Ngiting sabi ni pia na tinanguhan lang nila.

"Mukha atang namiss mo agad ako pia" ngising sabi ni ana dahilan para mainis si pia.

"Hindi naman siguro MASAMA kung kasama ko kayo diba?"

"Hindi naman, pero magkasama lang tayo kanina, kaya nagtaka lang ako"

"If kung ayaw niyo aalis na kami" malamig kong sabi na kinatigil nila.

"Hindi ayos lang" sabat nung drake habang tinitignan yung katawan ni ana at pia.

Abay loko toh ah!

"Ah, grey pwede mo ba akong samahan?" Agad kong nilingon si ana dahilan magtama yung mata namin saka bumilis yung tibok ng puso ko.

Bakit ganito? Bakit kapag makikita o magtatama yung paningin namin laging ganito? Ibig bang sabihin--- hindi trace, mali yang iniisip mo! Ano ka ba si pia yung gusto mo!

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon