chapter 12: Friends

889 20 0
                                    

Vince POV

"HAHAHAHA" napalingon kaming lahat ng marinig namin yung tawanan nina ana at Karl.

Napatitig ako sa mukha ni ana habang tumatawa ngayon ko na lang ulit siya nakitang tumatawa kay sarap pagmasdan.

Sana ikaw na lang yung pinili ko, baby

"Huyy, ang lalim na ng hinuhukay mo" gulat akong napatingin sa lupa at kay jane na nasa harap ko na nagdidilig.

"Sorry"

"May problema ka ba?"

"Wala, pano mo naman nasabi" ngumiwi siya tsaka binaba yung host tsaka ako hinarap.

"May gusto ka kay ana, noh?"

"Hindi ko siya gusto. Dahil mahal ko siya, noon pa"

"Noon? Eh, kaka-----" naputol ni jane yung sasabihin niya ng magsalita si klea.

"Hindi ka pumunta dito para makipag-kwentuhan" inis na tinignan ni jane si klea bago muling magdilig.

"Hi, vince" malambing na sabi niya.

"Tsk" yun lang tsaka ako bumalik sa ginagawa ko.

Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sa, baby ko.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kila trace at pia na nag-tatanim.

"Yes, I'm okay. Andiyan ka eh, hehe"

"Ikaw talaga, pawis ka na oh at namumula pa yang mukha mo"

"Okay lang ikaw din naman"

"Eh, ako sanay na sa araw at sa amoy pawis galing araw, ikaw hindi dahil namumula ka na oh, alam ko din na hindi ka sanay sa ganitong amoy na mabaho"

"Wala naman akong paki kong malanghap ko lahat ng amoy dito basta kasama ka" namula yung mukha ni pia sa sinabi ni trace. Umiling na lang ako tsaka pinag-patuloy yung ginagawa ko.

"Dahan-dahan naman--wahhh" mabilis kong nilingon si ana ng sumigaw siya at napayakap sa bewang ni karl dahil sa bilis niyang magpatakbo ng bike. Wala na ring laman yung sidecar kaya naglalaro na sila tsk.

"Haha, kanina ka pa nagre-reklamo ng mabagal ah" natatawang sabi ni karl kay ana na hindi na alam ang gagawin.

"Wahhhh, sorry na. Please hihinto muna nandito na tayo"  napahinto ako ng makita ko yung pakiusap ni ana kay Karl. Sakin niya lang dati ginagawa yan pero ngayon sa iba na.

"Guys, tama na muna yan. Kumain na muna tayo ng lunch" tawag ni mae. Tumayo na kami nina pia at naghugas ng kamay.

"Grabe ka naman dahan-dahan lang. May kasama ka, uy" napatingin ako sa katabi kong maingay na si jane.

"Oh, oh" tinalsikan ko yung mukha niya ng tubig kaya panay reklamo na kulang nalang isumpa ka. Napapailing akong pumunta sa mesa na hinanda ni mae kanina.

"Grabe, nakakapagod pala" sabay-sabay kaming napalingon kay chloe na nagpupunas.

"But is okay, kasama ko naman sina vince at trace, hehe" ngumiwi ako sa sinabi ni klea.

"Wow, adobo" nilingon ko si ana ng marinig ko yung boses niya na natatakam, favorite niya pala ang adobo kaya hindi na ako magtataka.

"Subukan mong ubusin yan babatukan kita, ana" ani ni elle ng magsa-sandok palang ng adobo.

"Grabe ka, wala pa nga akong nakukuha" ngusong sabi ni ana dito.

"Anong wala pa, look at your plate ms. Ana" napalingon ako sa plato ni ana na nakaka-apat ng manok at patatas, napapahiya umupo si ana sa tabi ko na kinatawa ko ng mahina

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon