chapter 33: Girlfriend

824 18 0
                                    

Ana POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni grey. Tumingin ako sa kaniya na umiinom lang habang nasa malayo yung tingin.

Sila pia at drake pala nandun pa din nag-aaway kaya umalis na kami doon.

Dapat ba akong maniwala sa sinabi niya? Ako ba talaga yung sinabihan niya kanina na 'mahal ko na siya'? Hindi ko na alam gagawin ko! Maniniwala ba ako sa kaniya o hindi. Baka sinabi niya lang yun dahil nalaman niya na yung ginagawa sa kaniya ni pia. Hays hindi ko na talaga alam. 

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" Napabalik ako sa realidad ng magsalita si grey.

"Iniisip ko yung sinabi mo kanina. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi mo"

"Pati din naman ako, hindi ko alam na agad akong mapapa-amin sayo"
Napabuntong hininga na lang ako saka tumingin sa pinto. "Ayos lang kung hindi ka naniniwala, sa totoo nga lang mahirap talagang paniwalaan, dahil si pia yung gusto ko pero ikaw yung naging mahal ko" napatingin ako sa mata niya at dun mababasa na nagsasabi siya ng totoo.

"Wala naman akong sinabing hindi ako naniniwala, pero hindi ko din sinabing naniniwala ako, masyadong magulo!"

"Oh, saan ka pupunta?" Napalingon ako sa kaniya na umiinom pa din.

"Wala ka bang balak pumasok?" Tumingin ako sa relo ko na 10:45am pa lang.

"Tsk, maaga pa"

"Alangan namang pumasok ka ng lasing?" Ngumisi siya saka ako nilapitan.

"Pano kung oo?"

"Tsk, tumigil ka nga! Huwag mong gagawin yun kung hindi..."

"Kung hindi ano?"

"Kung hindi iiwan kita dito!"

"Kaya mo?" Mas lalo niyang nilapit yung mukha niya dahilan para bumilis yung tibok ng puso ko.

"L-lumayo ka nga"

"Pano kung ayaw ko?"

"L-lasing ka na!"

"No, I'm not, haha"

"See! Tumatawa ka pero wala namang nakakatawa"

"Yang mukha mo kasi" dahil sa sinabi niya namula yung mukha ko sa hiya.
"Look your blushing, haha" mas lalo akong namula dahil sa sinabi niya.

"H-halika na, p-pumasok na tayo! Sa campus na lang tayo mag-lunch"

"Sus, baka may gusto kang makita dun kaya gusto mo na agad pumasok!" Tumaas yung kilay ko sa sinabi niya, saka humarap sa kaniya ng maayos.

"At sino naman ang gusto kong makita dun, kung nandito ka naman"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala, halika na" 

"Umamin ka nga sakin! May gusto ka sakin noh" natawa ako sa kaniya saka umiling na kina-walang emosyon niya. Tatalikod na sana siya ng bigla ko siyang hinalikan na kinagulat niya, umiwalay ako saka ko siya hinawakan sa pisngi.

"Bakit ba yan lagi mong sinasabi? Pwede bang Mahal mo ko noh?"

"Ah?"

"Hindi kita gusto.." Napatigil siya saka yumuko na kinangiti ko ng malaki, inangat ko yung mukha niya saka nagsalita. "Kasi mahal na kita" halatang nagulat siya sa sinabi ko na kinangiti ko at mas lalo kong kinangiti ng yakapin niya ako.

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon