chapter 52: Grupo

424 15 0
                                    

Ana POV

"Hindi ka makikialam!" Agad na sabi ni grey sakin na kinataka ng lahat.

"Bakit?"

"Anong bakit? Mapapahamak ka lang! Huwag matigas yang ulo mo!"

"Sige! Pero kailangan mo munang sagutin yung tanong ko!"

"Okay, ano ba yun!?"

"Pano niyo nakilala sila Ian?" Halatang natigilan silang lahat sa sinabi ko. Ngumisi ako saka lumayo sa kanila. "Kapag nasagot mo! Hindi ako makikialam! Hindi ako makiki-sali! Basta wala akong gagawin, kung sasabihin mo!" Yun lang bago ako umalis na dahil 1:24pm na.

Alam kong marami kayong tinatago kaya kailangan kong malaman kung ano yun.

Nagpractice lang kami maghapon ng bigla akong tawagin ni sir ramon para gumawa na naman ng activity. Hindi na ako nag-paalam kila grey dahil nakita ko naman na busy sila sa pag-practice ng basketball.

Pagkadating ko sa library gumawa agad ako ng activity.

Kung pwede ko lang itong mali-maliin ginawa ko na! Pero magpapagod lang ako dahil panigurado papa-ulit niya.

Trace POV

Matapos naming mag-practice hinintay namin si ana dahil siya na lang kulang dito.

Nasan na ba yun? Peste naman oh!

"Ang tagal ni ana! Nasan na ba siya? Anong oras na oh! 6:01pm na!" Angil ni elle habang paikot-ikot. Nag-aalala na din siguro sila.

Malamang trace! Kaibigan niya yan eh! Natural lang na mag-alala sila.

"Hindi ba sinabi ni ana kung saan siya pupunta?" Nag-aalalang sabi ni ate na kinabuntong hininga ko.

"Wala siyang sinabi! Tignan niyo oh! Wala na yung mga kasama niyang nagba-badminton!"

"Saan naman siya nag-punta?"

"Hindi ko alam! Nakakainis nakisabay pa siya!" Napa-upo ako na agad nila akong inalo. Kinakabahan na rin ako dahil sa naiisip ko.

Baka kinuha siya ni Ian! Tsk, trace! Huwag kang mag-isip ng ganiyan!

"Relax, trace!"

"Pano ako makakapag-relax? Lalo na nagsisimula na sila!" Inis na sabi ko na kinabuntong hininga nila.

"Hihahatid ko lang si elle, hinahanap daw siya ng mommy niya! Babalik din ako agad" paalam ni miguel na tinanguhan ko.

"Trace, i-text mo ko agad kapag nakita niyo na si ana ah? Kung hindi lang talaga ako kailangan ni mom eh, sasamahan ko kayo sa paghanap" nag-aalalang sabi ni elle na tinanguhan ko na lang.

"Ingat"

"Ako rin! Hihahatid ko lang, sila. Jane, Trisha, sam, mira, pia!" Paalam ni josh na tinanguhan ko. "Babalik din ako agad"

"Hihahatid ko na rin sina chloe, klea, grace at jenjen" paalam rin ni taylor na tinanguhan ko ulit. "Babalik din ako"

"Balitaan mo din kami ah?" Nag-aalalang sabi lahat ng girls na tinanguhan ko na lang ulit. Nilabas ko agad yung phone ko saka muling tinawagan si ana, pero hutek! Hindi niya sinasagot. Naka-50 na akong nagmi-missed call pero hindi niya sinasagot.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now