Epilogue

1.2K 36 6
                                    

Ana POV

"Where's your proof? See? Wala kayong mapakita?" Inis kong sabi.

"Darling, let's go home. Makakasama sayo ito. Ilang buwan ka pa lang nagpapagaling" umiling ako kay ian.

"How did you do this to me? All my life, I thought you love me! But why did you lie? I trust you so much, but you ruined it"

"No, don't believe them. They're just making you crazy"

"Tumigil ka na nga, ian!" Naiinis na sabi ng babae.

"Umalis ka na" sambit nung babaeng mataray.

"Kayo ang umalis sa pamamahay namin ni ana" malamig na sambit ni trace, tumalikod ako sa kanila dahil hindi ko na kaya ang nangyayari.

Binuksan ko ang drawer para maghanap ng knife ngunit iba ang nakita ko, isang picture frame. Kinuha ko ito at agad akong napahawak sa bibig ko. Tumatawa ako sa camera habang si trace naman hinalikan ako sa pisngi. Nanginginig ako at agad napaluha, sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon at may halong pangungulila.

Kinalkal ko pa ang drawer at marami pa akong nakitang litrato namin ni trace na magkasama. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito kumpara kanina, nahihilo din ako kung kaya't muntik na akong matumba.

"Ana" may sumalo sa akin pero hindi ko alam kung sino iyon dahil pati sa pandinig ko ay hindi malinaw ang mga naririnig pero alam kong natataranta na sila. "Anaaa!" Tuluyan na akong nawalan ng malay sa huli kong narinig.

"Babe, I love you so much"

"I miss you"

"Hmp! Ayoko!"

"Sorry"

"Ayokong uminom ng gamot!"

"Saan ka galing? Pinag-alala mo ako"

"Yabang!"
___

"Grey!!! Wahh, put me down"

"I love you, babe"

"Isa! Uminom ka ng gamot, paano ka gagaling niya?"

"Haha, honest lang"

"Noon pinapangarap lang kita pero ngayon abot kamay na kita"

"So, talo na naman ako? Hindi na naman ako ang pinili, hindi na naman ako pinaniwalaan. All this time, akala ko. Ako na, akala ko ako naman ang pipiliin yun pala nagkamali ulit ako"

"Tama, siguro nga. I don't deserve it. Don't worry, lalayo ako. Basta, magpakasaya ka... With her"

____

"Waahhh ana! Welcome back!"

"OMG!"

"Ana, I'm sorry"

"Hindi naman ako nagsasalita mag-isa, ah!"

"Hay, naku! Nandito na ang couple"

"Smile! 1. 2. 3"

"Kill, ana! Hahahahaha"

Marami pang pumapasok na alaala sa sakin, and this time malinaw na ang lahat. Malinaw na ang mukha nila at malinaw na ang mga nasa paligid.

"Ana" nagising ako sa isang boses na agad nagpaluha sa akin.

Mas masakit pala malaman ang katotohanan, na ang mga taong ito ang nanakit sa akin. Bakit? Bakit nila ginagawa sa akin ito?

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon