chapter 21: Goodbye Baryo

784 25 0
                                    

Ana POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni grey dun sa lalaki. Nang makadating kami sa mga kasama namin wala pa rin ako sa sariling umupo at kumain.

"The woman you are touching is my fiance, man"

"The woman you are touching is my fiance, man"

"The woman you are touching is my fiance, man"

"...is my fiance"

"...is my fiance"

"...is my fiance"

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug

Napailing ako sa paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung sinabi niya at mas lalo akong napatigil ng bumilis yung tibok ng puso ko.

Alam ko namang mahal kita kaya ganito kabilis yung tibok ng puso ko tuwing makikita kita o makaka-usap kita.

"Ana, are you okay?" Napabalik ako sa sarili ko ng magsalita si trina na katabi ni karl. Napatingin din ako sa mga kasama ko na nakakunot noong tumingin sakin.

"Y-yes, I'm o-okay"

"Kanina ka pa namin tinatawag, sigurado ka ba?"

"Ah. O-oo, ano nga ulit yun?"

"Anong ano nga ulit yun?" Gulat akong napatingin kay jane na nakakunot noo ng sabihin niya yun.

"Tinatawag ka lang namin, are you sure your okay?" Nag-aalalang sabi ni Taylor, pero hindi ko siya sinagot bagkus tinignan ko si grey na kumakain lang na parang walang naririnig. Tsk.

"Baka inaantok ka na?" Natatawang sabi ni pia na kina-inis ko pero agad napalitan ng ngisi.

"Kung inaantok ako, magpapaalam agad ako"

"Eh, bakit wala ka sa sarili?"

"Bakit din gusto mong malaman?"

"Masama na bang malaman, ANA?"

"Hmm, sa tingin ko, PIA"

"Diba, sabi mo kaibigan mo na ako?"

Luh, kailan ko sinabi? never, never kong sasabihin yun, at never kitang magiging kaibigan.

"Haha, sinabi ko ba yun?"

"O-oo naman, ang bilis mo namang makalimot?"

"Hindi ah, honest lang" ngisi kong sabi na kinatigil niya. Padabog niyang kinuha yung kutsara saka nilantakan yung pagkain na parang baboy. "Hinay-hinay lang, gutom na gutom ka ba?" Natatawang sabi ko na kina-inis niya

"Hindi naman, pano mo naman nasabi?"

"Para ka kasing nauubusan ng pagkain, kung lantakan mo para kang nauubusan"

"Ah hindi, ganito ako kumain, kapag ginaganahan. Ikaw bakit hindi ka kumain?"

"I'm full, kaya kung gusto mo sayo na din tong kinakain ko, mukhang kulang mo pa, eh" sinamaan niya akong ng tingin na kinangisi ko lang.

"No, okay na ako dito, BES"

Bes, amputa, bes, bes, bes mo mukha mo plastic!

"Kung ganun, okay, pero kapag kulang mo pa sabihin mo lang ah? BES" sabay ngiti ko ng pang-asar kita agad sa mukha niya na galit na talaga siya kino-kontrol niya lang yung sarili niya. Magsasalita na sana siya ng biglang may tumatawag sa phone niya nang tignan niya yun agad siyang nagulat na kinakunot noo ko.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now