chapter 14: Punishment

875 21 0
                                    

Ana POV

Tumingin ako kay elle pati na din sa mga bata na naka-sandal sa pader habang hawak nila yung tiyan.

"Nakakatakot po ba talaga kami? Haha" lumingon ako sa batang lalaki na inalis na yung maskara ganun din yung apat.

"Oo naman, sino namang hindi matatakot sa mukha ng maskara na nakakatakot?" Umupo ako saka siya pinantayan. Sumimangot siya ganun din yung apat.

"Kasi po lahat ng tao dito sinasabi hindi daw po. Para lang daw po kaming hindi naligo ng tatlong araw at kamukha na namin toh" turo niya sa maskara. Nagtinginan kami ni elle saka sabay na napabuntong hiningan.

"Don't listen them, okay. You look scary kaya"

"Sa inyo po, kaya kami sumaya kasi first time naming may matakot samin, gamit ito" ani ng batang babae.

"Wahhhh, ana, elle, n-nakita niyo ba yung mga c-chanak?" Sabay-sabay kaming napalingon sa likod namin ng makita namin silang lahat na hinihingal. Nagkatinginan kaming mga bata pati na si elle saka natawa.

"Anong nakakatawa?" Takang sabi ni vince. Pinakita ko sa kanila yung mga maskara.

"Ano ba kayo, that's maskara only. Wala namang totoong chanak"

"So, prinank niyo kami ganun?" Malamig na sabi ni grey. Nilingon ko yung mga kasama namin na nag-aantay ng sagot.

"Hindi, bakit naman namin gagawin yun?" Singit ni elle, napapikit sa inis si grey dahil dun.

"Dahil sa ginawa niyo muntik ng madapa si pia, muntik na din madulas" napayuko ako sa sinabi niya.

"Sorry po mga kuya hindi naman namin kayo tinatakot, eh" natatakot na sabi ng batang babae.

"Sino ba kayo?" Tanong ni pia sa kanila.

"Ako po si leah sila naman po sina, jak, rose, kisha at si coco"

"That's not what I mean, goshh" napalingon kami pare-pareho ng dumating yung pinuno ng baryo.

"May problema ba? Bakit kayo sumisigaw?" Nag-aalalang sabi niya. Napalingon yung mga kasamahan namin, samin ng masama.

"Wala po, may mga bwiset lang po kasing tumatakbo kanina para takotin kami" tugon ni grey habang masamang nakatingin sakin.

"Ganun ba, oh, sige maiwan ko na kayo, kung may problema tawagin niyo lang kami"

"Sige ho, pasensya sa abala" tinignan muna namin siyang umalis saka muling tumingin sa kanila grey.

"Ganiyan ba ginagawa niyo sa america, ah? At dinala niyo pa talaga dito mga isip bata" iritang sabi ni klea sabay hawak sa braso ni vince.

"Guyss, nakita niyo ba sina ana at elle kasama yung mga batang naka-maskara?" Muntik na kaming mahulog sa kina-uupuan namin ng dumating si jane na may hawak na malaking pamalo.

"Ayun oh" turo nilang lahat samin, sabay-sabay kaming napalunok at nagkatinginan saka natawa.

"Anak ng.. Nandiyan lang pala kayo ah" dali-dali kaming tumakbo sa likod nina ate mae habang tumatawa.

"Pagod na kami ate jane, haha" natatawang sabi ni leah sa kaniya.

"Tama na jane--wahhh" napasigaw si elle ng habulin siya ni jane. Tawa na kami ng tawa ng mga bata dahil parang silang mga batang naghahabulan.

"Stop" napatigil kaming lahat pati na sina elle ng sumigaw si grey ng napakalamig. "Sit down"

Dali-dali kaming umupo sa harap nilang lahat, ganun din sina jane sa tabi ko. Nilingon ko yung mga bata na natatakot na. Lumapit ako sa kanila at hinawakan yung mga kamay nila. Nilingon nila ako kaya ngumiti ako.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now