chapter 23: Secret

776 25 0
                                    

Ana POV

Nagising ako ng may maramdaman akong may nakatingin sakin. Dahan-dahan kong minulat yung mata ko at gusto kong tumalon sa gulat ng magtama yung paningin namin ni grey kaya biglang bumilis yung tibok ng puso pagnakikita ko siya. Nakahiga din siya sa kama niya habang nakaharap sakin.

"Haba ng tulog mo ah" napatingin ako sa mga kasama ko na tulog na nang tignan ko ang oras halos maitapon ko iyon sa gulat 9:45pm na ang tagal pala ng tulog ko.

"Bakit hindi niyo ako ginising?" Tumayo ako saka pumasok sa banyo para maghilamos saka muling bumalik. Umupo ako sa kama habang nakatingin sa kaniyang mapupungay na mata.

"Wala kang sinabi"

"What?"

"Shhhh"

"At talagang kailangan ko pang sabihin?"

"Oo naman, akala ko nga bukas ka na magigising, ganiyan kapag tulog mantika kahit mag-ingay kami kanina wala, hindi ka pa din nagising" napahawak ako sa tiyan ko na kumukulo na sa gutom. Tumayo ako saka lumapit sa pinto ng pigilan niya ako. "Saan ka pupunta gabi na"

"Nagugutom ako eh, diyan ka lang babalik---"

"Nag-take out sila ng pagkain para sayo, nandun sa ibabaw ng mesa" napatingin ako sa mesa ng may makita akong box na katamtaman lang na laki ng baso. Nang buksan ko iyon may fried rice, egg, bacon, at hotdog.

"inong bumili? Babayaran ko nalang"

"Si elle" ikling sabi niya na kinatango ko, kinuha ko yung kutsara at tinidor saka sumubo. Tumingin ako kay grey  na nakatingin sakin kaya lumapit ako saka umupo sa kama niya.

"Gusto mo? Hati nalang tayo"

"No, it's okay"

"Sige na, tsaka hindi ko naman toh mauubos, sayang lang.. Kaya say ah" lapit ko sa kaniya ng kutsara na may laman na rice at hotdog. Napalunok muna siya saka sinubo iyon na kinangiti ko ng Palihim

"Kutsara mo tapos kutsara ko?"

"Oh eh, ano naman?"

"Are you crazy"

"No, I'm not, haha" sumubo muli ako saka siya tinignan na kumakain na din

Siguro nga baliw na ako sayo, haha

"Walang tubig?" Tanong ko muli saka luminga-linga

"No, here drink it" sabay bigay niya ng bottle niya.

"Thanks" uminom ako saka pinunasan yung gilid ng labi pagkatapos. Binigay ko sa kaniya yung tubig saka kinuha ko yung pinag-kainan namin at tinapon. Pumasok muli ako sa cr at nag-toothbrush matapos ay lumabas na ako ng makita ko si grey na nasa tapat sa pinto ng cr, baka magto-toothbrush din. Tumango kami sa isa't-isa bago siya pumasok sa loob ng cr, ako naman ay Pumunta sa veranda upang magpahangin.

Nilibot ko yung paningin ko ng may mahagip itong familiar na tao sa malayo. Nang titigan ko ito ng maigi nakita ko si pia na may kasamang lalaki habang kahalikan ito. Hindi ako pwedeng magkamali si pia yun

Humanda ka saking malandi ka!

Pumasok ulit ako sa loob ng makita ko si grey na may kino-contact

Hindi niya yan sasagutin dahil kasama niya yung boyfriend niya!

Lumapit ako sa bag ko saka sinuot yung jacket ko na black at tinago ko yung sumbrero sa loob ng jacket saka humarap kay grey na nakakunot na nakatingin sakin

The Cold GuyWhere stories live. Discover now