chapter 61: Lola's story

453 12 0
                                    

Ana POV

Naglakad-lakad lang kami habang nagtitingin sa mga nakasabit na tinda nila. Nang makarating kami ng dulo may nahagip yung mata ko na teddy bear na kasi laki ko lang atah? Maganda din ang kulay niya! Kulay white tapos may nakasulat sa gitna ng teddy bear na 'Love'. Nakangiti ko yun nilapitan kaya may lumapit din na babae. Mukhang siya ang nagtitinda.

"Pili na po kayo! Tag-iisang design at size lang po yan!" Anunsyo niya. Ngumiti at tumango ako.

"I want that!" Turo ko sa napili ko na agad niyang kinuha at binigay sakin.
Mag-kasing laki lang talaga atah kami o mas malaki pa toh! Tsk. Inabot ko yung bayad ko sa kaniya na agad niyang kinuha.

"Thank you ma'am, come again!" Tumango na lang ako bago umalis dun. Sunod kong pinuntahan dun sa mga bracelet na nagtitinda.

Namili ako kung kaninong taste ng bracelet ang bibilhin ko sa mga kaibigan ko. Una kong napilian ay si miguel at sunod-sunod na sina jake, ate trisha, kuya josh, vince, sam, karl, mira, drake, pia, harvey, chloe, Rico, klea, taylor, grace, danny, at jenjen.
Matapos ay nagbayad na ako at pina-plastic ko na yun mga napili ko.

"Oh, naks naman! Para kay grey yang teddy bear, ano?" Ngising bungad ng dalawa na may dala ding teddy bear na kasing laki lang ng isang taon na bata.

"Ano sa tingin?"

"Tsk, pilosopo!"

"Haha, hindi ah!" Hindi na siya sumagot ng dumating na din si sir na mukhang may binili ding pasalubong. Sumakay na kami sa van ng makalapit siya.

"Hehe, ang ganda talaga dito! Minsan yayain natin sila dito" tukoy ni jane sa mga kaibigan namin. Tinabi ko muna yung teddy bear sa tabi ko bago siya hinarap.

"Oo naman! Panigurado papayag sila!"

"Tsk, sinabi mo pa!" Hindi na ako sumagot bagkus. Matutulog na lang ako dahil apat na oras pa bago kami maka-uwi.

"Ana, nandito na tayo!" Gising ni elle, nang imulat ko yung mata ko nasa tapat na kami ng bahay namin ni grey.

"Sir, mauuna na po ako! Ingat po kayo!" Baling ko dito na agad tumango. Inalalayan nila ako bumaba sa van. Kinuha ko yung maleta at teddy bear bago pumasok sa loob ng gate. "Ingat kayo!" Sabi ko pa kila elle at jane na agad tumango.

Sinara ko yung gate bago pumasok sa loob ng bahay na kinagulat ni manang. Dali-dali niya akong tinulungan ng makita ang dala ko.

"Oh, hija! Akala ko ba sa bukas ka pa uuwi? Napa-aga atah? Kung ganun mabuti na din! Dahil ang fiance mo ay ayaw kumain nandun sa kwarto niya nag-kukulong simula nung umalis ka!" Napailing ako sa sinabi niya. Umupo ako saka inalis yung high heels ko at pinalitan ng slipper.

"Ako na pong bahala sa kaniya! Salamat po sa pagbantay! May bumisita po ba kay grey ng wala ako?"

"Ah? Wala hija, bakit naman may bibisita kay trace? Tsaka buong maghapon akong nasa sala pero walang bumisita kay trace" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Naprapraning na ho ako!

Nagpahinga lang ako saglit bago umakyat sa kwarto ni grey. Kumatok muna ako ng tatlong beses pero nagulat ako ng sumigaw siya.

"Ayaw ko nga hong kumain!"

"Anak ka ng kagang" bulong ko sa sarili ko. Binuhat ko ulit yung Teddy bear saka binuksan yung pinto ng kwarto niya dahilan para nagulat siya ng makita ako.

"Babe? Babe! Umuwi ka agad" sigaw niya saka ako inalalayang buhatin yung teddy bear pahiga sa kama saka siya hinarap ng nakapa-mewang.

"Bakit hindi ka kumakain?----babe! Namumutla ka!" Nag-aalalang sabi ko bago siya pina-upo sa kama niya.

The Cold GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon