chapter 1

1.9K 51 0
                                    


ALESXIA

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Basang basa na ako dahil sa lakas ng ulan. Tumutulo ang luha sa aking mga mata

Napangiti ako ng malungkot nang maalala ang nangyari kanina. Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko

Do i deserve all the pain?

Bakit nangyayari 'to sa buhay ko?

Kailangan ba talagang maghirap para mabuhay?

Napaupo ako sa malamig na sahig saka niyakap ang tuhod ko dahil sa sakit na aking nadarama

Ginawa ko naman ang lahat! Pero bakit kailangan ko paring maghirap ng ganito? Wala na akong magulang! Mag isa nalang ako! Pati trabaho ko iniwan na rin ako!

Humihikbi ako habang nakayuko at yakap yakap ang tuhod ko. Napadako ang tingin ko sa isang bata nang bigla itong pumunta sa gitna ng kalsada. Napatayo ako nang makitang may paparating na truck

Kaninong bata 'to?!

"Bata! Umalis ka d'yan sa daan!" Sigaw ko pero parang wala itong marinig.

Walang pagd-dalawang isip akong tumakbo sa bata dahil papalapit na ang truck. Nang malapit na sanang masagasaan ang bata ng truck ay agad ko itong tinulak pero ako naman ang nasagasaan

Tumilapon ako dahil sa lakas nang pagkakabangga sa'kin. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko't naramdaman ko rin ang isang likido na tumulo mula sa aking ulo. Bago ako tuluyang mawalan nang malay ay naramdaman ko pa ang pagpatak ng ulan sa mukha ko kasabay nun ang pagpatak ng aking luha mula sa aking mata

Sa wakas, pwede na akong mamahinga.

NAGISING ako nang makarinig ng ilang ingay. Nakita ko ang isang matandang babae na naglilinis. Napabalikwas ako at agad na napaupo na ikinasakit ng ulo ko kaya napahawak ako rito

"Iha, jusko gising kana! Okay ka lang ba? 'Wag ka munang gumalaw at tatawagin ko lang ang doktor!" Tarantang saad ng babae. Akmang aalis na ito ng hawakan ko agad ang kamay nito na ikinatingin nito sa'kin ng may pag aalala

"Okay na po ako." Magalang kong saad na ikinakurap ng mata nito ng ilang beses "sino po kayo?" Takang tanong ko. Napahawak ito bigla sa kaniyang bibig

"Sigurado ka bang okay ka lang? May masakit ba sa iyo iha?" Tanong nito habang nag aalalang nakatingin sa'kin

Napakunot ako ng noo sa pagtataka, dahil hindi ko kilala ang babaeng nasa harapan ko

"Wala pong masakit sakin. Okay lang po talaga ako. Sino po ba kayo?" Nakakunot noong tanong ko kaya napahawak ito sa kaniyang bibig. Kita sa kaniyang mga mata ang awa at pag aalala

"Wala kang naaalala?! Jusko po!" nasa bibig ang kamay niyang saad sa'kin saka tumakbo palabas ng kwarto

Napakurap ako ng ilang beses sa naging reaksyon ni manang. Dahan dahan akong tumayo mula sa kama at pumunta sa salamin na nakita ko

Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Gusto kong magsalita pero walang kahit anong lumalabas sa aking bibig

Harujusko! Sino 'tong babaeng kaharap ko?! Hindi ako 'to!

Kinapa kapa ko ang aking mukha dahil baka namamalikmata o nanaginip lamang ako. Kinusot ko rin ang aking mata at kinurot ang pisnge ko

"Aw! Ang sakit!" Daing ko saka hinimas himas ang aking pisnge na namumula na ngayon

Napatingin ako sa salamin saka tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. May mahaba't itim na buhok, mahabang pilik mata, makinis at maputing balat, itim na mata at parang nang aakit, mapulang labi, at sexy na katawan.

Ang ganda...

Parang isang dyosang nakatingin sa'kin ang kaharap ko ngayon. Siya na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko!

Hindi ito ang katawan ko! Bakit ako nandito sa katawang 'to?! Harujusko!

"Binibini, nandidito na ang doktor. Bakit ka tumayo agad, baka anong mangyari sa'yo!" Napatingin ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Nakita ko ang matandang babae kanina na may kasamang gwapong doktor

"Binibini, umupo ka muna." Seryosong saad ng gwapong doktor kaya napakurap kurap ako at sumunod nalang kahit nagp-panic na ako sa kaloob looban ko

"Sino po ba kayo?" Ulit kong tanong habang nakatingin sa matandang babae

"Ako si helen at ito naman si doktor kius. Nakita kita sa kagubatan na walang malay at sobrang putla mo, kaya napagpasyahan kong dalhin ka sa aking bahay. Naaalala mo ba ang nangyari sa'yo binibini?" Nagtataka pero kita parin ang pag aalala sa kaniya mga mata habang sinasabi 'yun

"Wala po. Wala po akong maalala na kahit ano." Litong tanong ko habang nakakunot ang noo

Anong nangyari sa magandang binibini na nagm-may ari ng katawang 'to?

"Jusko... eh pangalan mo? Naaalala mo ba?" Tanong ulit nito

Umiling ako ng ilang beses, dahil wala talaga akong maalala at hindi ko naman talaga pagm-may ari ang katawang 'to. Napatingin ako kay doktor kius nang bigla ako nitong nilapitan at chineck

Nakatingin lang ako sa doktor habang chinecheck ako nito. Napatingin ito sa'kin pero agad ding umiwas, kita ko ang pagpula ng dalawa nitong tenga

Naiinis ba siya dahil sa nakatingin ako sa kaniya?

Umiwas nalang ako ng tingin dahil baka mas lalo lang siyang mainis sa pagtingin ko sa kaniya. Napatingin ako kay manang helen nang magsalita ito

"Paano ka makakabalik sa inyo kung wala kang maalala?"

Hindi ko kilala ang kamag anak o magulang man lang nitong nagm-may ari ng katawang 'to. Saan na nga ba ako maninirahan?

"Hindi ko po alam..." mahina kong saad habang nakayuko

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ng doktor sa aking likod na para bang sinasabi niyang magiging okay rin ang lahat. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din ito sa'kin ngunit hindi parin nagbabago ang seryoso nitong mukha. Ngumiti ako at tinanguan lang ako nito saka bumalik sa pagc-check sa'kin

"Dito ka na lamang manirahan kasama ko, iha. Tatlo lang naman kaming nandito ng aking dalawang anak na lalaki. Kung gugustohin mong manatili at manirahan sa aming bahay." Nakangiting saad ni manang helen kaya napatingin at napangiti ako sa sinabi niya

"Talaga po? Okay lang po ba 'yun sa inyo?"

"Oo naman. Matagal ko naring gustong magkaanak ng isang babae ngunit biniyayaan ako ng dalawang anak na lalaki at nawala ang aking asawa't hindi kami nakagawa ulit" natatawang saad nito pero kita ko sa mata niya ang lungkot nang banggitin niya ang kaniyang asawa

"Maaari ko po ba kayong tawaging mama? Gusto ko rin pong magkaroon ng nanay!" Nakangiti at nagagalak kong saad

Matagal narin simula nung makita ko si mama at papa. 9 years old palang ako nung mawala sila sa isang car accident

"Syempre naman iha. Maari mo akong tawaging mama kung iyon ang iyong ninanais" nakangiting saad ni mama helen "Ngunit anong pangalan ang itatawag ko sa'yo, gayong hindi mo naman naaalala ang iyong pangalan?"

"Tawagin niyo na lang po akong Alesxia elise. Alesxia for short po" galak kong saad

"Beautiful name, just like you." Mahinang saad ni doktor kius, kaya napatingin ako dito. Nakatingin ito sa'kin pero umiwas din nang makita akong napatingin sa kaniya

Reincarenated In Another WorldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang