Chapter 9 : Reunion

1K 61 10
                                    

Chapter 9 : Reunion

Mikaela's POV

Matapos kung kumain ay umakyat na uli ako at chineck ko muna si Lola Teressa at tulog na ito kaya bumalik na ako sa aking kwarto at humiga sa kama. Gusto ko ulit umiyak. Dahil sa sinabi ni Nicholas sa akin.

Inabot ko ang cellphone ko sa kama ng marinig kong mag ring iyon. Napatingin ako sa screen at si Katelyn ang tumatawag doon.

"Hoy babae, bar tayo! Birthday mo naman!" Pang-aaya ni Katelyn.

Natawa naman ako sa babaeng to. "1v1 ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oh sure!" Sagot pa nito.

"Okay, magbibihis lang ako, text me the location." Sabi ko.

Nagbihis ka agad ako at naglakad sa papalabas ng malaking gate ng mansion ng mga Corden. Wala naman akong kakilala rito at hindi naman ako pwedeng magpahatid. I took me 10 minutes sa paglalakad bago narating ang main gate.

Nakilala naman ako ng manong guard kaya pinalabas niya na ako. Pagkalabas ko ay pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa bar kung masaan si Katelyn.

Tinawagan ko muna si Hiro. "Hiro? Si Erica?" Agad na tanong ko.

"Erica, si Ate." Sabi pa ni Hiro.

"Ate?" Rinig ko ang boses ni Erica sa kabilang linya.

"Aalis muna si Ate ah, mukhang gagabihin ako sa pag-uwi, wag mo nalang akong hintayin at matulog ka na dahil maaga ka pa bukas." Sabi ko.

"Opo, ate, mag-iingat ka." Sabi nito.

"Ibigay mo kay Hiro yung phone." Sabi ko.

Sabi ko at narinig ko namang ibinigay ni Erica ang phone kay Hiro. "Ate?"

"Ikaw na ang bahala kay Erica, aalis lang ako saglit." Sabi ko.

"Saan ang punta mo?" Tanong nito.

"Basta." Sabi ko at hindi naman ito nangulit pa. Ibinaba ko na ang tawag at ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bar na yun.

"Hoy friend ang ganda natin ngayon ah!" Sabi pa ni Katelyn. Nasa VIP ROOM kami ngayon at kami lang dalawa. May karaoke rin rito at may tablet kung anong alak ang u-orderin mo.

"Mag kwento ka naman sa buhay mo doon sa mansion." Sabi pa ni Katelyn at mukhang mahabang usapan to.

Kinunwento ko sa kaniya lahat-lahat ng nangyari maliban doon sa amin ni Nicholas. "Hoy friend take me with you!" Ma-arteng sabi nito.

"Anong take me with you." Sabi ko sabay tawa. Nababaliw na ang babaeng 'to.

Pumili naman ito ng kanta at ako naman ay pumili ng alak na iinomin.

"Cr muna ako, Kate." Pagpapaalam ko sa kaniya at tumango naman ito at feel na feel ang kinakantang 'Since you've been gone'.

Amoy alak at amoy sigarilyo ang buong bar. Puno ng mga lasing na tao. Dumeretso naman ako sa banyo at agad na nag cr at hinugasan ang kamay ko pagkatapos. Naglagay din ako ng kaunting lip stick sa labi at sinuklay ko pa ang buhok ko. Lumabas na ako ng banyo para bumalik doon sa room namin ni Katelyn.

"Sorry."

"Sorry." Sabay naming sabi nong lalaki.

Nagkabungoan kasi kaming dalawa. Sikip na kasi ng lugar eh hindi ko naman nakitang paparating siya.

"Gela?" Nagulat ako sa lalaking kaharap ko.

"Oy Joshy!" Bati ko sa kaniya at niyakap ito.

"Lalaking-lalaki ka na ah! o baka naman lalaki ang gusto mo?" Pagbibiro ko sa kaniya.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon