Chapter 18 : She's awake

888 38 2
                                    

Chapter 18: She's awake

Mikaela's POV

NAGISING ako dahil sa sobrang ingay na ng paligid.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.

"Anong meron?" Tanong ko ng makita ko si Katelyn at Joshua sa harap ko na umiiyak.

"Oh! God! Gising ka na!" Sabi pa ni Katelyn.

"God! Thank you! Thank you!" Sabi pa ni Joshua.

"Tatawag lang ako ng doctor." Sabi pa ni Katelyn at kumaripas ng takbo papalabas.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko kay Joshua.

"I'm really really sorry, Angela. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari sayo, ngayon ko lang nalaman at ang tanga-tanga ko dahil hindi man lang kita hinatid pauwi sa inyo." Sabi nito at tumulo na naman ang luha nito.

Mahina naman akong natawa. "Hindi ka parin nagbabago, Darna. Iyakin ka parin." Sabi ko at yumuko lang ito.

"Hindi mo naman kasi kasalanan 'yon, hahanapin ko ang walang hiyang lalaking iyon." Sabi ko at napatingin naman si Joshua sa akin.

"Lalaki?" Tanong nito.

"May lasing na sumusunod sakin no'n at gusto niyang makig make love ako sa kaniya kaya sinusundan niya ako at tumakbo naman ako at ganon rin siya. Hindi ko na alam kong saan ako tumatakbo at hindi ko rin alam na may bangin doon." Sabi ko at napayuko nalang si Joshua.

"Sorry talaga, Angela. Sana mapatawad mo'ko." Sabi nito at natawa naman ako at gugulohin ko na sana ang buhok niya ng maramdaman kong sakit sa buong katawan ko.

"Aaaaaahh!!!" Ang sakit-sakit. Ang sakit sakit ng katawan ko. Ngayon ko lang napansin at naalala ang nangyari sa akin.

"Wag ka munang masyadong gumalaw." Napalingon naman ako sa gilid at nakita ko si Katelyn at may kasamang doctor.

Nanigas naman ako dahil sa tingin ko pag may igagalaw ako ay sasakit lahat ng parte ng katawan ko.

"I'm Dr. Kevin Legaspi, I'm the one who saved you." He said.

"Thank you!" Sabi ko at tumango naman ito at ngumiti ng matamis.

Tinignan pa ako nito at chineck kung okay na ba ako. "Okay ka na for now at hindi ka magiging maayos kapag galaw ka ng galaw." Sabi pa nito.

"O-okay..." Sabi ko.

"Hindi ka rin pwedeng lumakad." Sabi nito.

"Ha? Bakit naman!?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Parang pilay naman ako nito, nahulog lang naman ako sa bangin.

"Dahil nabali ang buto mo sa paa, pero nagamot ko naman kaagad kaya pahinga nalang ang kailangan nito para tuluyang gumaling." Nanigas naman ako dahil sa sinabi ng Doctor. Ano raw? Bali yung buto?

"Will you excuse me, marami pa akong pasyente." Sabi pa ng Doctor.

"Salamat, Doc." Sabi pa ni Katelyn.

"Okay ka na raw." Sabi pa ni Joshua ng makalabas si Dr. Legaspi.

"Anong okay?! Ni hindi nga ako makatayo!" Inis na sabi ko.

"Kalma ka muna, may dala akong pagkain. Kumain muna tayong lahat." Sabi nito sa akin at tumango naman ako.

"Basta talaga pagkain, Angela." Natatawang sabi ni Joshua at nagpout lang ako.

Tawa naman ng tawa si Katelyn habang inaayos ang mga pagkain. Problema nito? Kinikiliti ata ng demonyo.

Nagsimula na silang kumain at biglang uminit ang ulo ko. "Bwesit naman oh!" Inis na sabi ko.

"Ha? Anong problema?" Tanong ni Joshua.

"Ang sarap sarap ng pagkain! Tapos hindi ako makakain dahil sobrang sakit ng katawan ko!" Inis na sabi ko at tumawa naman ito.

"Sige susubuan nalang kita." Sabi pa nito at ngumiti naman ako.

"Ahhhh...." Sabi nito habang ang kotsara ay nasa harapan ko. Binuka ko na ang bibig ko at nilamon ang pagkaing nasa kotsara.

"I'm glad talaga na okay ka na." Napalingon naman ako kay Katelyn na ngayon ko lang napansin na mukhang aswang.

Nililigpit na ni Joshua ang pinagkainan namin dahil tapos na rin kaming kumain. "Anong mukha yan?" Tanong ko kay Katelyn.

"Loka-loka ka talaga no!? Paano ako matutulog at paano ako kikilos ng maayos eh yung kaibigan ko hindi pa gumigising sa ospital, idagdag mo pa yung kapatid mo at bayarin sa ospital saan tayo hahanap ng pambayad." Walang prenong kuda ng babaeng to.

"Grabe ka talaga! Nasabi mo lahat ng yon sa isang hingahan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joshua at tumawa naman ako. Talent yan ni Katelyn eh. HAHAHA

"HOY DARNA! HINDI MO KAMI RAMDAM DAHIL MAYAMAN KA!" Inis na sabi ni Katelyn kay Joshua.

"Eh di ako magbabayad sa ospital, para saan pala ako kung hindi ko kayang tulongan ang mga kaibigan ko." Sabi pa nito at lumiwanag naman ang kanina'y madilim na mukha ni Katelyn.

"Oh! God! Hulog ka talaga ng langit!" Sabi pa ni Katelyn sabay yakap kay Joshua.

"Oo nga pala babalitaan ko muna si Hiro." Sabi pa ni Katelyn at kinuha nito ang cellphone.

"Mauna na rin ako, bibisitahin lang kita ulit dito." Sabi pa ni Joshua sa akin sabay halik sa noo ko.

"Sure, hihintayin ko yung ice cream." Sabi ko.

"Ay ganon? Yung ice cream hihintayin mo hindi ako?" Kunwaring nagtatampo ito at tumawa naman ako.

"Syempre pati ikaw." Sabi ko sabay tawa.

Nagpaalam naman ito ng maayos sa akin at pati narin kay Katelyn na ngayo'y abala sa kaniyang cellphone at may tinatawagan. Si Hiro siguro iyon.

Isinandal ko ang ulo ko sa unan at pumikit. "Si Don...." Naaalala ko na naman yung sinabi ni Nanay. Hindi panaginip iyon, nakasama ko talaga sila kahit limang araw lang.

Hahanapin kita Don kapag tapos na ako sa walang hiyang lalaking may gawa sa akin nito. Hindi ko kasalanan na nahulog ako sa bangin, kasalanan ito ng lasengerong lalaking 'yon dahil kung hindi niya ako hinabol ay hindi rin ako tatakbo ng ganon kalayo at mapadpad sa bangin.

*BLAGG!!!*

Napadilat ako dahil sa lakad ng pagkakabukas ng pinto. Gulat akong napatingin sa pinto at ganon rin si Katelyn. "Oh Hiro? Anong nangyari sayo at nagkakaganyan ka?" Tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha nito sa kaniyang mga mata, "I'm glad your okay." Sabi pa nito at lumapit sa akin.

Hinaplos nito ang mukha ko at parang sinisiguradong totoo ako. "God you're real!!" Sabi pa nito at akmang yayakapin ako.

"NOO!! MASAKIT ANG KATAWAN KO!" Pigil ko sa kaniya. Wag niyong gagalawin ni isa sa parte ng katawan ko dahil sobrang sakit!

"S-sorry....nakalimutan ko." Sabi nito sabay tawa.

"Baliw! Iiyak tapos tatawa!" Sabi ko sa kaniya at tumawa naman si Katelyn sa likod at may papahidpahid pa sa mata.

"I'm just happy ate na okay ka na." Sabi nito.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo tapos na, ikaw ate kumain ka na?" Tanong nito.

"Oo tapos na." Sabi ko. Tumango-tango naman ito.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong uli nito.

"Chocolate ice cream cake." Sabi ko at tumango naman ito.

"Sige bibili ako." Sabi nito at agad na umalis.

"Anyari don?" Tanong ko kay Katelyn at nagkibit-balikat lang ito sabay tawa.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon