Chapter 16 : "WE FOUND HER!"

900 42 8
                                    

Chapter 16 : "WE FOUND HER!"

Hiro's POV

"KUYA Chico! I found her room." Tawag ko kay Kuya Chico. Nasa kabilang hallway kasi ito. Nakita ko ang kwarto niya sa unahan, magkasunod-sunod na kasi ang numero ng kada kwarto.

"Tara!" Sabi nito at nagsitakbuhan naman kami papunta sa room ni Mika.

Nagkatinginan pa kami bago ko hinawakan ang doorknob at binuksan iyon.

Biglang gumuho ang mundo ko sa nakita nako.

May benda ang paa nito at halatang malala ang nangyari doon. May benda rin ang kaniyang ulo at iba't-ibang parte ng katawan niya. "Ate M-mika..." Utal kong sabi.

"What happened?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Chico sabay lapit kay Ate Mika.

Napalingon naman kami ng bumukas ang pinto nito. "Oh! Do you know her, Hiro?" Tanong sa akin ng isang doctor. "I'm Kevin Legaspi."

"Yes, Dr. Kevin. What happened to her?" I asked.

"Nahulog siya sa bangin at dahil doon nabalian siya ng buto sa isang binti niya at may malalim rin itong sugat sa ulo at mga pasa at sugat sa katawan." Hindi ko kayang maniwala sa pinagsasabi ni Dr. Kevin.

"You're joking aren't you?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Chico. Lumingon ito kay Ate Mika.

"You, Mika! What happened? Hindi ka naman tanga eh, malalaman mong may bangin doon bakit ka pumunta? Anong ginagawa mo roon? Sabi mo lulutoan mo pa kami ng ulam 3days ago....HINDI PA SIYA GUMIGISING?!" Ngayon ko lang din na realize iyon. Napalingon uli kami kay Dr. Kevin. Naglakad naman ito papalapit kay Ate Mika at tinignan ang kalagayan nito.

"Yes, hindi pa siya gumigising." Sagot nito. Napaupo na ako ng tuluyan sa sahig. Hindi pwedeng malaman ito ni Erica at baka mapano pa iyon.

Binantayan ko nalang si Ate Mika habang umuwi naman si Kuya Chico para ipaalam sa lahat kung nasaan si Ate Mika. Hindi na namin sasabihin sa telepono.


Third Person's POV

DINAANAN muna ni Chico ang kaibigan ni Mika sa dating tinatrabahoan nito utos ng kapatid.

"Sino si Katelyn?" Walang emosyong tanong niya ng makapasok sa coffee shop.

"Po?" Tanong ng isang babae.

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko." Walang ganahang sagot ng binata sa dalaga.

"Ako po." Sagot uli nito.

"You need to go to the hospital, Mika needs you." Sabi ng binata at bumakas ang pagkagulat, sakit, at lungkot sa mukha ni Katelyn. Inabot ni Chiko ang isang papel kay Katelyn. Naglalaman iyon ng address kung saan niya makikita si Mika at agad na umalis.

Nagmaneho na ito pabalik sa mansion. "Oh? Hindi ka pumasok?" Tanong ng Lola nito.

"We found her." Agad na sabi nito na ikinagulat ng ginang.

"WHAT?!! W-WHERE!? WHEN!? HOW IS SHE?!" Magkakasunod na tanong ng ginang.

"Call everyone, I need to announced it." Matigas na sabi ni Chico. Inutusan naman ng Ginang na ipatawag lahat ng myembro sa pamilya.

Ilang sandali ay magkakasunod na dumating ang lahat....maliban kay Nicholas.

"So ano?" Tanong ni Jared. Nakaupo na ang lahat sa sofa dito sa living room.

"Nakita na namin ni Hiro si Mika." Malungkot na turan ni Chico.

"Bakit ang lungkot mo? Dapat mag saya tayo!" Masayang sabi ni Jared sa kapatid

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon