Chapter 25 : Off to the office

907 31 1
                                    

Chapter 25: Off to the office

Mikaela'S POV

MAAGA kaming nagising ni Nico dahil babalik na kami. "Nico! Paano na to!? Walang magmamaneho!"

Paano kami babalik nito?! Hindi kami makakauwi!? Pati ba naman yung nagmamaneho ng Yate umalis rin kagabi!?

"I can drive." Napanga-nga ako sa sinabi nito.

Ano raw? 'I can drive?'

"Hoy, Nicholas! Hindi po ito kotse." Sabi ko at pinagkrus ang aking mga kamay.

"I know." Sabi niya saka pumasok sa loob.

Sumunod naman ako baka hindi niya alam ang gagawin nita at mulunod kami!

"Hoy! Hoy! Hoy! Bakit mo pinipindot yan!? Tama ba yan!? Hoy baka malunod tayo!" Kinakabahan na talaga ako.

"Kumalma ka nga, I said I can drive this thing." He said.

Huminga naman ako ng malalim at may pinindot pindot pa ito at ilang sandali lang ay nag vibrate ang buong Yate, ibig sabihin non ay umaandar na ito.

Pumalakpak naman ako, "Grabe ikaw na talaga, Nicholas Corden!" Sabi ko sa kaniya at umirap lang ito.

Inirapan ko rin ito at bumalik na sa baba at makapagbihis na ng maayos.

PAGKARATING namin ng mansion ay agad kong hinanap si Lola Teressa. "Lola!" Tawag ko sa kaniya ng mamataan ko ito sa malawak nitong hardin at kasama si......Rose?

"Oh hija nakabalik na pala kayo ng apo ko." Nakangiting sabi nito.

"Opo, Lola Tere." Mas lalo naman itong ngumiti.

"Kamusta?" Tanong nito.

"P-po? Okay naman po." Naguguluhang sabi ko at ngumiti naman ito ng nakakaloko.

"Talaga?" Pangungulit nito.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" Tanong ko.

"Wala. Oh nga pala, bumalik na si Rose." Sabi nito.

"Hi." Bati ni Rose sa akin.

"Hello po, magandang umaga." Bati ko at ngumiti naman si Rose sa'kin.

Kailangan ko na atang mag-impake dahil hindi na ako kailangan rito.

"Wag kang mag-iisip ng kung ano-ano hija." Napalingon naman ako kay Lola Teressa dahil sa sinabi nito.

"P-po?"

"Hindi kayo aalis ni Erica, parang pamilya ko na kayo at hindi ko kayo hahayaang iwan ako." Sabi nito at ngumiti naman ako at niyakap siya.

"Thank you po, Lola!" Sabi ko at naramdaman ko naman ang braso nitong yumakap sa akin.

"Walang ano man, Mika." Sabi pa nito.

"Mika?" Napalingon naman ako sa likod. Nakita ko si Nicholas sa hindi kalayuan at nagpaalam kay Lola at tumapit sa kaniya.

"Ano?" Tanong ko. Nanigas naman ako dahil sa ginawa niya. Hinalikan ako nito sa noo.

"Aalis na ako at baka gabihin na ako sa pag-uwi." Sabi nito at sumakay na sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon papalayo.

Nakaramdam ako ng hiya ng marinig ko ang tawanan sa likod. Nakita ni Lola Teressa at Rose ang ginawa ni Nicholas! Lord kunin niyo na po ako!

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon