Chapter 30 : Mistress

722 32 0
                                    

Chapter 30 : Mistress

Mikaela'S POV

Umuwi na silang lahat at pati si Joshua dahil pinapatawag ito sa bahay niya. Tulog na si Katelyn sa sofa at sa isang single sofa naman si Erica natutulog.

Niligpit ko na lahat ng kalat sa labas dahil hindi pa naman ako inaantok. Napahawak ako sa balikat ko dahil sa malamig na hangin na dumampi doon. "Hoooo! Kailangan ko ng pumasok at baka siponin pa ako rito."

Natigil ako sa bandang pinto dahil biglang nag vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko ito at 1:47 na pala ng umaga. Tinignan ko lang kung sino ang nag text at nagbabakasakaling si Nicholas 'yon.

Napanga-nga ako sa gulat ng makita ko kung ano ang tinext sa'kin.



Hindi ko hahayaang maging masaya ka habang miserable ang buhay ko.



Napakunot naman ang noo ko. Ano raw?

Naputol ako sa pag-iisip ng magvibrate uli iyon.



I'm watching you from a far.


at may sumunod pang....


Oo nga pala yung pinakamamahal mong nobyo ay may kasamang babae kanina habang kumakain sa labas.


Wtf!? Kaya ba walang text man lang galing sa kaniya dahil may kasama itong iba!?



Hindi. Hindi sa ganon 'yon. Walang iba si Nicholas at alam ko 'yon. May gusto lang sumira sa'min.

Isinawalang bahala ko nalang iyon at pumasok na sa loob. Binuhat ko na si Erica at kailangan naming umuwi ngayong gabi at hindi ako mapapanatag kung hindi ko makikita si Nicholas doon.

Pumara ako ng taxi sa labas at nagpahatid sa mansion. Habang tinatahak namin ang daan patungong mansion ay hindi mawala sa isipan ko ang text kanina. Alam ko namang hindi dapat ako nagpapadala sa mga ganon at hindi ko dapat iniisip iyon ngunit hindi ko alam ngayon kung bakit hindi iyon mawala sa isipan ko.

-----------------------------//•//--------------------------------

KINAKABAHAN akong pumasok sa mansion at inihiga si Erica sa kama namin dito sa kwarto at inayos ko muna ito bago ako lumabas at tinungo ang kwarto namin ni Nicholas.

Tumigil ako sa harap ng pinto. Hawak-hawak ko ang kamay kong nanginginig at nilalamig. Nilalamig ako at the same time pinagpapawisan.

Nanginginig ang kamay kong pinihit ang door knob at biglang gumuho ang mundo ko ng wala akong makitang Nicholas na nakahiga sa kama.

"Nico?" Hanap ko sa kaniya. Tinungo ko ang closet ngunit wala siya roon pati sa banyo at sa terrace. Bagsak ang balikat kong umupo sa king sized bed ni Nicholas at sumandal sa headboard nito at niyakap ang mga binti ko.

Nagsipatakan na ang mga luha sa mga mata ko. Sumisikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin sa mga oras nato.

It's so pathetic to cry over a man.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at sinubukang tawagan si Nicholas ngunit cannot be reach ito.

Naalala ko tuloy uli yung nagtext sa'kin kanina. Siguro ay tama ang sinabi niya. Nawala lang ako saglit sa mga mata ni Nicholas ay may kaharotan agad ito.

Napagpasyahan kong tawagan si Joshua kahit alas dos na ng madaling araw. Nakailang ring pa ito bago sinagot at halatang natutulog na ito.

"Gela?" Sabi nito sa kabilang linya. "Bakit hindi ka pa natutulog." Tanong nito.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon