Chapter 64: Wayne Matthew Gutierrez

278 17 27
                                    


Chapter 64: Wayne Matthew Gutierrez

[THIS IS NOT EDITED]


Veronica's POV

Papunta na ako sa Basement ng Headquarters kung saan nakakulong ang baliw na si Kim. Kasama ko ngayon si Kevin at Jan papunta roon.

Inalalayan naman ako ni Kevin na makababa sa kotse at ginaya nila ako papasok.

Kaliwa't kanan ang bati sa akin ng mga tao rito tanging tango lamang ang sinasagot ko. Sumakay muna kami ng elevator hanggang sa huminto ito sa -5 floor. Huminto kami sa ika labing dalawang pinto at pumasok. So dito nakakulong si Kim.

Inobserbahan ko ang paligid. Mukha naman siyang bahay. Kaso may baliw nga lang na nakahiga sa kama. "Kim." Tawag ko.

Nanlilisik ang mga mata nitong lumingon sa akin at mabilis na umatake. Mas mabilis nga lang si Jan sa kaniya kaya ngayon ay nasa sahig na ito at pumupiglas. "Ibalik mo si Nicholas sa akin!" Sigaw niya.

"Hinding-hindi ko gagawin yon." Sabi ko sa kaniya. Nilingon ko si Kevin. "Na contact mo na ba ang mga relatives ng baliw na ito?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, Queen." Sagot niya.

"Ipahatid niyo ang baliw na iyan at bigyan niyo ng sulat ang mga magulang niya. Ilagay mo sa sulat 'Wag na wag niyong hahayaang makawala ulit ang baliw na ito dahil sa susunod ay hindi na ako makapagpigil at baka naka kabaong na itong makakabalik sa inyo.' ." Yon lang at iniwan ko na si Kim ron na nagsisigaw. Tsk! Baliw talaga.

Nauna akong lumabas sa lugar na iyon dahil hindi ako komportable. Nang makarating ako sa kotse ay agad akong pumasok at doon na naghintay sa kanilang dalawa.


*RING!!*

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot iyon. "Hello?"

"It's me."

"Josh? Napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya.

"I'm looking for you, nasa bahay mo ako ngayon." Sabi nito.

"Anong ginagawa mo d'yan? Akala ko ba nasa ibang bansa ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Napa aga ang uwi ko." Sabi nito.

"Hintayin mo ako d'yan, uuwi na ako agad." Matapos kong magpaalam ay pinatay ko na ito.

"Ihatid mo ako sa bahay, Jan." Sabi ko kay Jan. Nilingon ko naman si Kevin. "Gawin mo na ang pinapagawa ko sa'yo, at huwag na huwag mong hahayaang mag krus muli ang mundo naming dalawa." Hindi ko kakayanin kong makikita ko pang muli si Kim. Baka agad kong mapatay ang baliw na babaeng 'to.

Tumango lang si Kevin at hinatid nito ako hanggang sa kotse. Agad na rin kaming umuwi ni Jan.

Pagkarating ko ng mansion ay agad akong sinalubong ng isa sa mga kasambahay. "Queen, nasa living room po si Sir Joshua at kasama niya po ang mga bata." Hindi ko nilingon ito at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Malayo pa ako sa living room at dinig na dinig ko na ang kulitan ng tatlo. "Having fun?" I asked as soon I arrived.

"Hi, Mommy!" Bati ni Area.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon