Chapter 44 : Mai

616 18 1
                                    

Chapter 44 : Mai

Mikaela's POV

Nagising ako na nasa kwarto na ako ng mansyon. Nakatulog pala ako kagabi? Anong nangyari pagkatapos?

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit iyon. Hindi naman ako lasing ah?

Napatingin ako sa kaliwa ko ng makita ko si Virus na mahimbing na natutulog sa tabi ko at si Venom naman ay natutulog rin sa may bandang paanan ko.

Humiga ako ulit at niyakap si Virus. "Nico." Mahinang sabi ko. Inamoy ko si Virus at sobrang bango nito. Sino kaya ang nagpapaligo nito?

Umongol naman si Virus at mas lalo ko itong niyakap. Hinugot ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at binuksan iyon.

Lockscreen at homescreen ko parin ang mukha naming dalawa ni Nicholas. Sobrang laki ng ngiti niya dito, ito yung unang gabing nagdate kami. Hindi ko maisip na hindi ako minahal ng lalaking 'to.

Sumikip naman ang puso ko ng maaalala ang nangyari ka gabi. "Nagbalikan na pala kayo." Mapait kong sabi.

"Bakit ba kasi ang tanga ko!" Inis kong sabi sa sarili ko at hinila ang buhok ko. "Nakakainis na! Bwesit talaga!"

Hind ko na namalayan na nasa gallery na pala ako. Hinimas ko ang gwapong mukha ni Nicholas sa cellphone ko. Naramdaman ko ang magkakasunod na pagtulo ng mga luha ko. "Mahal na mahal kita, Nico. Kaso may iba kang mahal eh." Sabi ko at mapakla na tumawa sabay punas ng aking luha.

"Kung sinabi mo lang kasi eh.....na may hinihintay ka palang bumalik, edi sana.....sana h-hindi nalang kita m-mi....m-minahal." Utal kong sabi at hinayaan ko na ang sarili kong humagolhol.





Someone's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng aking opisina habang umiinom ng alak.

I heard the door opened and one of my pets entered. "Boss, confirmed nagkita si Ms. Aquino kanina at Ms. Alderidge." Report nito.

Agad naman akong napangiti dahil sa sinabi nito. "Mabuti naman." Babantayan ko lahat ng galaw ng babaeng 'yon at hahanap ako ng tyempo para mapatay ko ang babaeng 'yon.

Nakakainis lang kasi dahil sobrang dami ko ng taohan ang namatay dahil sa mga phantoms ng babaeng 'yon! Kahit sobrang galing ng magtago ng mga taohan ko ay mahahalata at makikita parin nila ito. Tch!

"What will you do next, babe?" Napalingon ako sa pinto ng makita kong nakatayo ang asawa ko roon.

"I will make her pay, Geo." Sabi ko at ngumiti sa kaniya at naglakad naman ito papalapit sa akin.

"That's my girl." Proud na sabi nito at hinalikan ako sa labi na agad ko namang sinuklian.

Nang bitawan ko na ang labi nito ay agad akong tumayo. Iniwan ko ang asawa ko roon sa opisina at lumabas.

Tinignan ko lahat ng mga taohan ko na nasa first floor at ngumiti. Ang dami na nila.

"Kayong lahat!" Agaw ko sa kanilang atensyon. Nilingon naman nila akong lahat kasi kung hindi mapuputolan sila ng ulo at ako mismo ang gagawa non.

"Bumalik na kayo sa pwesto ninyo! At bantayan ninyo ang mga target!" Sigaw ko. "Now move!"

Naghiyawan naman sila at sabay-sabay na lumabas ng mansyon. Napangiti nalang ako dahil naiimagine ko na ang mukha ng walang hiyang babaeng yun na nagmamakaawa.

"BHAWAHAHAHAHAAH!!"






Nicholas's POV

Yesterday

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon