Chapter 13 : Another Gift

877 46 9
                                    

Chapter 13 : Another Gift

Mikaela's POV

"Hoy hindi ko matatanggap 'to." Sabi ko kay Joshua.

"Sige na tanggapin mo na, wala kasi akong maisip na iregalo sayo eh.

"Hoy baliw ka! Kahit eh libre mo lang ako ng isaw dyan, okay na okay na ako." Sabi ko sa kaniya.

"Sige na tanggapin mo na, magtatampo talaga ako pag hindi mo yan tinanggap." Sabi ni Joshua sabay pout.

"JOSHUA!" Sita ko sa kaniya.

"Sige na, Angela. Please tanggapin mo na, wala na talaga akong maisip na e reregalo sayo." Sabi nito.

"Loko ka talaga no?" Sabi ko sa kaniya.

"Basta tatanggapin mo yan?" Sabi pa nito.

"Baliw ka talaga baka ma banga ko lang to." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo'ko mauuto mag driver's license ka it was expired a year ago." Sabi pa nito. Paano na naman kaya nalaman ng Darna nato? Tsk!

"Sige na nga, pero sana yung binili mong sasakyan second hand nalang." Sabi ko sa kaniya. Oo isang sasakyan ang niregalo niya sa akin. Isang brand new at magarang sasakyan! Isang lambo! Tangina lambo as in Lamborghini.

"Halika kukunin natin yung sasakyan mo." Sabi pa nito at excited naman akong lumabas. Sumakay kami sa kotse niya at pinuntahan kong saan yung Lamborghini na sinasabi niya. Nagulat ako ng huminto kami sa isang magarang mansion.

"Sayo to?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes it's my mansion." He said.

"Wow! Ang laki!" Sabi ko.

"Halika punta tayo sa garahe ko nandon yung kotse." Sabi pa nito.

"Sayo yun kotse?" Tanong ko sa kaniya.

"Mine before but it's all yours know, hindi ko naman nagamit eh kaya sayo na." Grabe na talaga ang yaman nitong kaibigan ko.

"Wow ha! Ang ganda!" Sabi ko sabay lapit sa isang itim na Lamborghini.

Wow ang kinis, mahigit isang taon na rin akong hindi nakakahawak ng ganitong sasakyan.

"JOSHUA! SALAMAT!!" Sabi ko habang yakap-yakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang pagyakap nito sa akin.

"Anything for my Angela." He said kaya natawa ako.

"Korni mo." Sabi ko sa kaniya. Tumawa naman ito ng malakas.

"Sumakay ka na drive test natin." Sabi pa ni Joshua.

"Tara!" Excited kong sabi.

Sumakay na ako sa driver's seat at sa passenger seat naman si Joshua. Two seaters lang kasi itong lambo.

Dahan-dahan ko itong pinaandar. Kinukunan ako ng litrato ni Joshua tapos nag selfie pa kami saglit.

Nang makalabas kami ng highway doon ako dumaan sa hindi ma traffic at sinimulang magmaneho ng mabilis. "Wooooh easy, Gela." Sabi ni Joshua sabay tawa.

"Watch this." Sabi ko kay Joshua.

Napatanaw naman siya sa harapan may dalawang kotse doon at may pagitan sa kanilang dalawa na sa tingin ko ay kakasya ang lambo nato. "Wait! What are you thinking?!" Kinakabahang sabi ni Joshua.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tinapakan ang gas at pinaharurot iyon patungo sa dalawang kotse sa unahan.

Puro tili at sigaw ang ginawa ni Joshua habang hawak-hawak ang cellphone niyang hindi niya namalayang nagvivideo na pala. Tudo tili lang ito kaya napapatawa naman ako.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon