Chapter 27: Battle

762 35 1
                                    

Chapter 27: Battle

Mikaela's POV

UMIWI na agad kami pagkatapos naming bumili ng ice cream.

Habang nasa sasakyan kami papauwi ay biglang tumunog ang cellphone ni Hiro at Chico. Magkasabay nilang binasa ang mga iyon at nagkatinginan.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanila. Magkasabay rin nila akong tinignang dalawa kaya kumunot ang noo ko.

"Alarm lang." Sabi ni Chico.

"Announcement sa school." Sabi rin ni Hiro at tumango namam ako sa kanilang dalawa.

HINDI ko alam kong bakit sobrang tahimik ng hapag ngayon, ako lang at si Erica at Lola Teressa lang ang kumakain.

"Nasaan po sila, Lola Teressa?" Tanong ko.

"May ginagawa ang mga iyon, uuwi rin iyon mamaya." Sabi niya at tumango-tango naman ako.

Niligpit ko na lahat ng pinagkainan namin at tumulong naman yung ibang katulong sa pagliligpit at hinatid na ni Rose si Lola Teressa  taas para makainom na ng gamot at makapag-pahinga.

Sumabay na ako kay Erica sa taas at sinamahan siya sa kwarto. Abala ito sa pagsagot ng mga takdang aralin niya at niligpit ko naman lahat ng kalat.

Inilagay ko sa dirty laundry yung mga maruruming damit at bumaba na upang malabhan ko na ang mga iyon.

Malapit na akong matapos sa paglalaba ng marinig ko ang sunod-sunod na kotseng dumating. Hinintay ko kung sino ang papasok at hindi nga ako nabigo dahil magkakasunod silang pumasok.



Hans, Chico, Hiro, Jared, Law, Prince, at si Nicholas. Napalingon ito sa gawi ko at agad na lumapit.

Napalingon naman silang lahat lalo na si Hiro. Tinaasan ko ito ng kilay dahil bigla nalang itong nawala ng hindi nagpapaalam kasama si Chico. And speaking of Chico ay umiwas ito ng tingin sa'kin ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya.


Umakyat na silang lahat maliban kay Nicholas na papalapit sa akin.

"Gabi na." Sabi nito at pumunta sa likoran ko at pinalupot ang mga braso niya sa bewang ko.

"Oo! Gabing-gabi na at ngayon pa kayo umuwi!" Inis na sabi ko sa kaniya.

Hinalikan lang nito ang leeg ko. "Ano ba nakikilitian ako." Sabi ko.

"I love you." He said in his sleepy tone.

"I love you too." Sabi ko. Natigilan ito at agad na pinaharap ako sa kaniya.

"Tama naman yung narinig ko diba?" Tanong niya at tumawa naman ako at tumango.

"You love me?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo." Sagot ko.

"Since when?" He asked.

"Since the first time I saw you." I said. He kissed me and I kissed him back.

"I love you, Mika." He said.

"I love you too, Nico." Sabi ko.

Habol namin ang aming hininga ng bitiwan niya ang labi ko. "So tayo na?" Tanong niya at tumango naman ako.


Magpapaka choosy pa ba ako? Crush na crush ko kaya to!

"Umakyat ka muna doon at magbihis. Tataposin ko lang ito." Sabi ko at tumango naman siya at hinalikan muna ako sa labi bago naglakad papalayo.


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon