Chapter 51 : Maiko the Noble Queen

546 20 9
                                    

Chapter 51: Maiko the Noble Queen

Mika's POV

Napamulat ako ng wala sa oras dahil naramdaman kong binuhosan ako ng napakalamig na tubig. "GISING NA OY!" Sigaw no'ong babae kanina. Lumalabo ang kaliwang mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Sinusubukan kong alalahanin ang nangyari kanina.

Oo nga pala hinampas nga pala niya ako ng upuan na gawa sa bakal. Kaya lumalabo ang kaliwang mata ko dahil siguro sa dugo kanina na hindi na punasan. Tss!

Napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko si Nicholas na wala paring malay.

Nag-angat naman ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Siya yung babae kaninang kamukha ko. Katabi nito si Kim. Ang tinatanong ko kung bakit may suot itong maskara ngayon? Ano 'to? Drama lang?

"Ano ba naman yan, Mai! Pati ba naman si Nicholas binugnog mo!" Inis na sigaw ni Kim tsaka linapitan si Nicholas na walang malay.

"Sumugod eh." Tipid na sagot nito.

"Tsk! Ikaw kasi! Pati si Nicholas nadadamay dahil sayo!" Inis niyang sigaw sa akin.

Kasalanan ko pang baliw ka?! My gosh!!

Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko at pagkahilo. Anong oras na kaya? Gabi na ba? O umaga na?

Hindi ko alam peste! Nagugutom nako peste talaga!

"Naaalala mo pa ba ako, Angela?" Tanong niya sa akin.

"Hindi!" Sino ka ba? Malay ko ba sayo, eh hindi naman kita kilalang tangina ka!

"Siguro ay nagulat ka sa mukha ko kanina?" Tanong niya sakit na may ngiti sa labi. Ngiting nakakaloko psh!

"Eh ano naman?" Taray kong sabi.

Tinadjakan niya naman ako sa dibdib. "Wag mo akong sinasagot ng ganyan!!" Sigaw niya sa akin.

Kinapos ako sa hangin. Hinahabol ko ang hininga ko. Sumisikip ang puso ko.

Tulong!

"Deserve! Nararapan lang sayo yan!" Sabi ni Kim sa akin. Sinampal naman ako nito ng napakalakas sa mukha na mas lalo kong ikinahilo.


Pag ako nakawala rito. Ikaw ang uunahin ko. Nakakadami ka na sakin.



"A-ano bang g-ginawa n-niyo kay Mika!?" Mahina ngunit galit na sabi ni Nicholas.

"OH GOD NICO, YOU'RE AWAKE!" Agad namang lumapit si Kim kay Nicholas.

"Kim, a-ano na ang n-nangyayari s-sa iyo? Hindi na kita k-kilala." Nahihirapan itong magsalita.

"Dahil sa babaeng yan! Kung hindi sana siya dumating! Hindi tayo magkakaganito!" Sigaw ni Kim habang tinuturo ako.

"Wala sabeee siyang kasalanan!" Bahagyang natigilan si Kim dahil sa pagsigaw ni Nicholas sa kaniya.

"K-kinakampihan mo pa ang babaeng yan?!" Galit na galit niyang sigaw at agad akong sinugot at pinagpupokpok ng bakal na bangko sa ulo. Masakit ngunit wala ang sakit na ito sa paghampas ng babaeng yon kanina!


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon