Chapter 23 : First Date (SPG)

1K 34 1
                                    

Chapter 23: First Date


[WARNING: SPG AHEAD]

Mikaela's POV

"Nasa gitna na ba tayo ng dagat?" Tanong ko kay Nicholas. Wala na kasi akong makitang bundok sa paligid.

"Saan mo'ko dadalhin." Sabi ko at kunwaring umiiyak.

"Hahaha halika nga dito at kakain na tayo." Sabi nito at lumapit naman ako.

May mesa rito sa gitna ng yate at may nagkalat na rose petals sa paligid at mga maliliit na ilaw sa paligid at may maraming bulaklak.

Parang naging mini garden ang yate na ito.


"This is for you." Sabi ni Nicholas sabay abot sa akin ng isang bouquet of white rose flower.


"Thank you!" Sabi ko at pinagmasdan ang mga bulaklak.

Panaginip ba to? Crush ko lang noon, binibigyan na ako ng bulaklak at dinidate pa ako sa isang yate ngayon. May eh ku-kwento na naman ako kay Katelyn. Yieeeeeee


Pinitik naman ni Nicholas ang kamay nito at nagsilabasan naman ang mga lalaking may hawak na serving tray. May mga takip ito sa ibabaw kaya hindi ko makita kung anong nasa loob.


Ipinatong nila ito sa mesa namin ni Nicholas at binuksan. "Wow! Amoy palang natatakam na ako!" Sabi ko.

Hindi ko alam kung anong pagkain ito dahil sa tingin ko ay hindi ito mula sa Pilipinas. Malamang sa ibang bansa na naman to binili. >3>

"Let's eat." He said. May lumabas namang dalawang lalaki na may hawak na violin at pinatugtog iyon. Napalingon naman ako kay Nicholas na ngayo'y abala sa kinakain niya.

Sweet pala ng lalaking to ksks. Kumain nalang din ako at tama nga ang hinala ko dahil sobrang sarap ng pagkain na to.

Hahanapin ko sa google ang mga sangkap nito para masubokan kong magluto sa mansion.


"Saan ka pala nakatira before, Mika?" Biglang tanong ni Nicholas. Hala gusto niya malaman kung saan ako galing.

Ito na ba yung sinasabi nilang 'I want to get to know you more' kinikilig ako ackkkk!



"Ah.....nakatira ako dati sa Red Stone Subdivision." Sabi ko. Tumango-tango naman ito.


"Saan yung mga magulang mo?" Tanong nito na ikinatigil ko.


"P-patay na." Matagal akong nakasagot sa kaniya.


Humingi ito ng tawad, "Sorry."



"Nako! Okay lang, matagal naman yon eh." Pagsisinungaling ko. Isang taon palang ang lumipas pero parang kahapon lang yon nangyari.

"Ikaw ba, Nico. Sa lahat ng mga kapatid mo, sino ang pinakagusto mo?" Tanong ko sa kaniya at sumubo ng pagkain.



"Silang lahat." Sagot nito.



"Ay ganon? Maganda yan walang favoritism." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Uminom naman ako ng juice. Hmmm masarap din.


"Nakatapos ka ba sa pag-aaral?" Tanong nito sa akin.

Nilingon ko naman ito at tumango. "I graduated in Stunford University as a valedictorian bachelor of science, major in accountancy." Sagot ko sa kaniya.




BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon