Chapter 60: Lyka the Bitch

341 13 5
                                    

Chapter 60: Lyka the Bitch

Veronica's POV

Naalimpungatan ako dahil medyo magalaw. Ibinuka ko ng ka unti ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ni Nicholas. Buhat buhat ako nito at sa tingin ko ay nasa mansion na kami. "Nasa bahay na tayo kaya matulog ka na ulit." Sabi nito kaya ipinikit ko nalang ang aking mata dahil inaantok pa talaga ako.







Nicholas' POV

Buhat buhat ko si Veronica mula sa Paris hanggang dito sa mansion. Napagod siguro ito dahil mahimbing na mahimbing ang tulog nito mula pa kanina. Papaakyat na kami ngayon sa kaniyang kwarto. Tahimik na ang buong paligid. Sinalubong kami ni Bulter Kin. "Ang mga bata?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa kanilang kwarto na po, Sir Nicholas." Sagot nito. Tinungo ko na ang daan patungo sa silid ni Veronica.

Dahan-dahan ko itong inihiga sa kama. Kumuha muna ako ng pantulog nito sa walk 'n closet niya. Nang makabalik ako ay binihisan ko na ito. Hinubad ko na rin ang suot nitong bra para komportable ito sa kaniyang pagtulog.

Tumayo ako at pumasok sa banyo.

Kailangan niya ng panglinis sa mukha.

Saan ko naman makukuha iyon? Ano ano ang mga iyon?

Binuksan ko ang cabinet na nandito sa banyo ni Nica.


Alin naman sa mga ito? Hay ang hirap maging babae.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Arthur. Hating gabi na at sigurado akong tulog na iyon pero gigisingin ko para kay Veronica.

Nakailang ring pa ito bago sumagot. "Dang it, Bro! Hating gabi na ano pa bang kailangan mo?" Inis na sabi nito. Hindi naman ito bagong gising, parang may ginagawa lang. Hmm

"Anong alam mo sa panglilinis ng mukha?" Tanong ko.

"What!? Edi manghilamos! Anong klaseng tanong 'yan?" Naiinis na talaga ito.

"Damn, bro. Veronica is sleeping hindi ko naman pwedeng gising siya para manghilamos." Sabi ko.

"Baliw na baliw ka na talaga sa babaeng 'yan no?" Alam kong ngumingiti ito. Tss!

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon