Chapter 57: Rizeliancia

464 20 5
                                    

Chapter 57: Rizeliancia


Mika's POV

1 week later....


Nandito ako sa aking silid at abala sa pag-aayos ng aking sarili. Ihahatid ko kasi si Erica sa kaniyang iskwelahan.


"Ate, dali na malilate na ako!" Rinig kong sigaw ni Erica mula sa labas.

Bumukas naman ang pinto ng silid ko at pumasok naman ito. "Oo eto na papatapos na." Sabi ko sa kaniya. Ngayon lang kasi ito bumalik sa iskwela dahil sa dami ng nangyari at kailangan muna naming makasigurong ligtas na.

"Sila Area?" Tanong ko sa kaniya.


Dahil hindi magpapaiwan yung dalawa. Laging nakabuntot sa akin iyon. "Nasa kwarto inaayosan na nila Manang." Sagot nito. Tumango naman ako ang naglagay na ng lipstick sa labi tsaka kinuha ang bag ko.

Lumabas na kami ng kwarto ko ni Erica at sinara ko muna ito. "Tara na." Sabi ko. Nagpunta naman kami sa silid nila ni Erica. Dalawang kwarto muna ang madadaanan namin bago kami makarating sa kanilang silid.

"Are you ready?" Tanong ko ng makapasok kami ni Erica sa loob.

"Mommy!" Sigaw ng dalawa.


"Malapit na po, young lady." Sagot ni Manang. Nagperfume pa ang mga ito at sinuotan ng sing sing sa kamay at necklace. Grabeng mga bata 'to noon nga wala akong ganiyan eh. HAHAHA

"Ready na!" Sabi nilang dalawa.

Ngumiti naman ako sa kanila. Bumaba na ito ng kama at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

Hinawakan naman ni Alistair ang kamay ni Erica at sabay kaming bumaba.

"Ihahatid ko na kayo, Queen." Presenta ni Tres.

"Nako hindi na Tres. Tulongan mo nalang si Jan sa pinapagawa ko sa kaniya."

Nagbow ito sa akin. "Masusunod, Queen." Tumango lang ako sa kaniya at naglakad na kaming apat papalabas ng mansyon. Sumakay na kami sa sasakyan ko. Nasa passenger seat si Erica umupo at sa likod naman ang dalawa. May upuan silang nakaayos roon.

15mins ang ibinyahe namin bago kami makapasok sa loob ng campus.

Huminto muna kami ng harangin kami ng guards. "Sino po si- GOODMORNING PO YOUNG LADY." Bati niya sa akin.


"Good morning po." Bati ko pabalik sa kaniya.


"Pasok na po kayo." Sabi nito at mabilis na binuksan ang malaking gate. "Salamat mo." Sabi ko at nag bow pa ito sa akin.


"Mommy, where are we?" Area asked.


"As I said earlier where going to Ate Erica's school." I said. Tumango-tango naman ang kambal.


Pinark ko muna ang kotse malapit sa Dean's Office. "Ihahatid muna kita sa room niyo, Erica bago kami pumasok sa Dean." Sabi ko at tumango naman ito.


Karga-karga ko ngayon si Area at hawak naman ni Erica si Alistair sa kamay at sabay kaming umakyat sa gusali kung saan ang silid nila Erica.


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon