Chapter 42 : Awkward (SPG)

787 23 5
                                    

Chapter 42 : Awkward (SPG)

[WARNING : SPG AHEAD]

Mikaela's POV




Hinahanap ko ngayon si Joshua sa loob ng party.

Saan na ba kasi ang lalaking 'yon!

Nakailang ikot pa ako bago ko nakita ang unggoy na 'yon. "There she's is." Rinig kong sabi ni Joshua. Lumingon naman sa gawi ko ang kaharap nito. Bigla akong nanigas sa kinakatayoan ko.


Sana lamunin ako ng lupa ngayon! Please, please, please!



Hindi ako makagalaw, pinagmasdan ko lang si Joshua na makalapit sa akin at hapitin ang bewang ko papalapit sa kaniya at sabay kaming naglakad patungo sa taong ayokong makita!


"Everyone, meet Angela my date." Nakangiting anonsyo nito. Wag please, ayoko dito, Joshua! Umuwi na tayo! Ayoko ayoko ayokooo!


Nilingon ako nito tsaka ngumiti sa'kin ng matamis. Sana matanggal lahat ng ngipin mo!


"Angela, this is my friends.....Nicholas and her girlfriend Kim." Potangina! Kilala ko sila! Ano ba Joshua! Umalis na kasi tayo dito eh! Ano ba naman yan!



Sinasaktan mo na naman tong puso ko! Sana nanahimik nalang ako sa bahay at hindi na lumabas. T_T



"I know." Mahinang bulong ko. Habang nakatingin sa mga mata ni Nicholas.



"What?" Tanong ni Joshua at mas inilapit ang mukha niya sa'kin. Nakita ko naman kong paano kumunot ang noo ni Nicholas.


"Hi, I'm Angela. I'm Joshua Yee's date for tonight." Eto na nga ba yung sinasabi kong makikipag plastikan eh! Sa kaniya pa talaga!



"Hi, I'm Kim. Nice meeting you." Sabi ni Kim at nakipagkamay sa'kin. Gusto kong masuka!


"And this is my boyfriend Nicholas Corden the third." She said. Sumakit naman ang puso ko. Sumisikip ito! Bakit ba kailangan pangulit-ulitin yan!


"H-hi, n-nice meeting y-you...." Sabi ko at plastik na ngumiti kay Nicholas.



"Mi—" Nakaramdam ako ng ka ba sa puso. Wag mong sasabihin ang pangalan ko, Nicholas! Hindi pa alam ni Joshua tungkol sa amin at ayokong pag-usapan yon!


Nakahinga ako ng maluwag ng maputol ni Kim ang dapat na sasabihin ni Nicholas. "Omo! Umupo muna tayong apat! Kanina pa din kami nakatayo ni Honey eh." Maarteng sabi ni Kim at hinila si Nicholas sa isang reserved table.

"Maupo kayo." Sabi nito at pinaupo naman ako ni Joshua sa isang upuan kasalungat ng inu-upuan ni Nicholas at Kim.


Pinagmasdan lang ni Nicholas ang bawa't galaw namin ni Joshua kaya medyo naiilang na ako.


May foods and drinks na hinanda ang waiter sa harap namin kaya uminom muna ako ng tubig dahil nauuhaw ako sa sobrang awkward dito.


"So kelan pa naging kayo ni Joshua?" Nabilaokan ako sa tanong ni Kim.


*Cough*




*Cough*




*Cough*





"Okay ka lang?"



"Are you okay?" Magkasabay na sabi ni Joshua at Nicholas.


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon