Chapter 29: Katelyn's Birthday

680 31 3
                                    

Chapter 29: Katelyn's Birthday

Mikaela's POV

"Nasaan si Ate Katelyn?" Napalingon ako sa likoran ko.

"Gising ka na pala, nasa likod sila ni Kuya Joshua mo." Sabi ko at agad naman siyang tumakbo papunta sa likorang bahagi ng bahay ni Katelyn.

Siya lang mag-isang nakatira dito dahil noong isang buwan ay umuwi ang ina nito sa probinsya nila dahil may sakit ang kapatid nito.

Narito parin ako sa kusina at hindi naman bongga ang birthday ng babaeng 'to at sa tingin ko ay mamaya pa dadating sila Elvie. Yung mga katrabaho ko noon sa Coffee shop ni Ma'am Yesha.

Napalingon naman ako sa pinto ng marinig kong may kumatok. "Teka!" Sabi ko at agad na hinubad ang apron at naghugas ng kamay tsaka naglakad papalapit sa pinto.

Nagulat ako ng pagbukas ko dahil si Hiro ang tumambad sa'kin. "Hiro?"

"Hi, Ate Mika!" Nakangiti bati nito. Bumaba naman ang tingin ko sa mga dala niya. May gift tsaka cake with flowers pa.

"Wow! Mamatay yun sa kilig si Katelyn pag nakita niya yan." Sabi ko.

"Sinong nandyan, Mik?" Tanong ni Katelyn sa likoran ko.

"Si Hiro." Sabi ko.

"Si HIROOOO???" Agad na tumakbo ito papalapit sa amin at agad na binigwas ang pinto para lumaki ang pagbukas nito.

"GOSH HIRO! HALIKA PASOK KA!" Sabi pa ni Katelyn. Kahit kailan talaga ang babaeng to.

"Ah....hindi na may pupuntahan pa kasi ako eh...btw Happy Birthday, Kate." Sabi ni Hiro sabay sabot ng cake at gift.

"Omg! Salamat!" Sabi ni Katelyn.

"Eto namang buklaklak galing kay Kuya yan. Siya lahat ang nagutos nito." Sabi nito sabay abot ng isang bugkos ng rosas.

"Salamat." Sabi ko at tinaggap ito.

"No problem." Nakangiting sagot nito.

"So aalis na ako." Sabi nito.

"Sigurado kang hindi ka tutuloy?" Tanong muli ni Katelyn sa kaniya.

"Hindi na, inutusan lang talaga ako ni Kuya na ihatid yan at tsaka kamustahin si ate Mika." Sabi niya at tumango-tango naman si Katelyn at ngumiti. "Sige salamat dito ah!" Sabi niya at ngumiti lang si Hiro sa kaniya at naglakad na ito papalayo.

Kinabahan naman ako ng biglang mapaupo sa sahig si Katelyn. "Hoy okay ka lang?" Tanong ko.

"Hindi ako makapaniwala.....binigyan ako ni Hiro ng regalo?!" Sabi nito. Napatingin naman ako sa mukha nito na sobrang pula. Napailing-iling nalang ako.

-----------------------------//•//--------------------------------


"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY... HAPPY BIRTHDAY... HAPPY BIRTHDAY KATELYN!" Kanta ng lahat. Completo na kaming lahat. Nandito na rin sila Elvie. Actually kanina pa sila pero sobrang tagal nila maka-move-on kay Joshua.

Sobrang dami raw naming kilalang mga gwapo. Baliw lang talaga.

"Thank you talaga sa inyong lahat at nakapunta kayo kahit hindi naman kabonggahan ang birthday ko." Sabi ni Katelyn. Nasa harap ito habang suot ang regalo ni Joshua sa kaniya na silk white dress at sinuot niya rin yung sandal na binili ko nag match kasi.

"Wala yun!"

"Syempre naman dadating kami."

"Oo nga may kainan eh!"

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon