Special Chapter 1

111 5 0
                                    

Nicholas

Tatlong linggong nagpapagaling si Nica dito sa Italy. Hindi namin magawang umuwi dahil hindi pumapayag sila Ryoichi. At baka mapano raw si Nica. Hindi na rin ako nagmatigas dahil baka may mangyaring masama sa baby ko. Korni ba? Mainggit ka pwe!

"Gising na si Queen!" Sigaw ni Tres. Sabay naman kaming nagtakbohan nila Jan patungo sa silid ni Nica. Nasa living room kasi kama nakatambay ngayon. Si Tres ang nakaschedule na magbabantay kay Nica. Ayaw naman nilang sabay-sabag kaming magbabantay sa kwarto ni Nica at baka maingayan ito sa amin at baka bigla nalang gumising at pagsasaksakin kami sa leeg. Nako! Wag naman!

Wala na rito ang mga kapatid ko at pinauwi ko na dahil may kaniya-kaniya silang buhay. Nagpapasalamat naman ako sa kanila dahil sa tuwing kailangan namin sila ay nariyan ra sila palagi at handang tumulong. Umiiyak pa nga si Hiro habang papalabas ng mansyon dahil ayaw umuwi ngunit ilang linggo na itong umaabsent at pagalit siyang inutusan ni Hans na umuwi. Ayaw na ayaw ni Hans ang lumiliban sa klase kung hindi naman kailangan.

"Baby!" Tawag ko sa kaniya ng makapasok ako sa kaniyang silid.

"Sino ka?" Biglang nanigas ang katawan ko dahil sa sinabi niya.

Nagkatinginan kaming lahat. No! No! No! Hindi ako na aaalala ng baby ko! Gusto kong maiyak! Bakit ganon!

"Sino kayo?" Inosenteng tanong niya. Inilibot pa niya ang kaniyang nga mata sa paligid sabay sabing, "Na saan ako?" Napaluhod ako sa sahig.

"N—no!" Naramdaman ko ang tapik nila sa aking likoran dahilan para mapaluha ako. "Bakit? Bakit ganito?" Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Hindi mo ako na aalala mahal ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Sino ka ba?" Tanong niya.

"Ako ito! Si Nicholas! Asawa mo! May syam tayong anak. Nakatira tayo sa toktok ng Mount Everest! Mahal na mahal mo ako!" Naluluhang sabi ko. Nakatanggap naman ako ng malakas na batok mula kay Nica.

"Sa na tatandaan ko ay dalawa ang anak natin! Dalawa ang ampon at kaninong anak ang lima!?" Galit na sigaw niya.

Hinalikan ko na siya sa labi. "Nakakaaalala naman pala ang mahal ko." Natatawang sabi ko. Narinig ko namang nagtawanan sila sa likod ko.

"Hindi mo naisahan, Queen." Natatawang sabi ni Tres. Napanguso naman si Nica. "Ano ba yan!" Pagalit na sigaw nito.

"Bakit narito pa tayo?" Agad na tanong niya.

"Hindi tayo makauwi dahil hindi ka pagumigising." Sabi ko. Narinig ko naman ang pag-tsk nito kaya natawa ako ng kaonti at kinurot ang kaniyang pisnge. Naghihilom na ang ibang sugat niya sa katawan. At patuloy pa sa paghilom ang saksak na natamo niya. Maliit nalang iyon ngunit kailangan niya pang magpahinga para gumaling ito ng tuloyan.

"Maghanda na kayong lahat! Uuwi tayo ngayong gabi." Aligaga ang lahat sa pagkilot ngunit nanatili ako sa tabi ng aking asawa. "Mabuti at gumising ka na, baby. Miss na miss na kita. Gawa ulit tayo ng baby—ARAY NAMAN!" Napadaing ako sa sakit ng kurotin niya ang tagiliran ko. "Mahal naman." Napahimas-himas ako sa tagiliran ko dahil mahapdi iyon.

"Tulongan mo na nga ako upang makapag-ayos ako." Sabi niyo. "Yes! Master!" Sumaludo ako tsaka tumayo upang alalayan siya.

"Yieee nagpaoalambing ang asawa ko." Asar ko sa kaniya at nagtagumpay naman ako ng makitang napikon agad ito. "Tatahimik ka o lulumpohin muna kita bago ka tumahimik?" Eto namang asawa ko! Kulang lang to sa kiss.

"Opo, tatahimik na po." Sabi ko tsaka siya hinalikan sa labi. Sinagot niya naman ang halik ko at ipinalupot ang kaniyang braso sa aking leeg. Oh diba? Sabi ko na sa inyo eh.

"MOMMY!" Sigaw ng mga bata ng makitang pababa kami ng kotse. Nakarating na kami sa pilipinas sa lalong madaling panahon at baka mag tantrums tong asawa ko hihi.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon