Chapter 53: Almost

524 23 8
                                    

Chapter 53: Almost

Jan's POV

Tinutulongan ko ngayon si Nicholas at ang kapatid nitong walang malay. Dahan-dahan kaming naglalakad papalabas ng building na ito. Ang atensyon ni Nicholas ay nakay Queen. Nagpapalit-palit naman ang tingin ko kay Queen at kay Blake.

"Tara na!" Sabi ko kay Nicholas at umayos naman ito.

"O-Oo." Sabi nito.

*BANG!*

Napalingon kami sa putok na iyon. Bakas ang gulat sa mukha nila Jared, Prince, Hiro, at lalong lalo na si Nicholas.

Unti-unti ng bumabalik si Queen!

Napangiti ako sa aking naisip. "A-anong nangyari?!" Gulat na tanong ni Nicholas.

"Don't mind her, ganiyan talaga siya." Sabi ko.

"WHAT?!" Gulat na sabi nito at tumango lang ako.

Nilingon ko ulit si Queen at ngayo'y nakangiti na. Nilingon nito sila Hiro at natigilan naman sila Jared at bahagyang napalunok. Natawa naman ako.

"Queen, babalik lang ako." Sigaw ko para maagaw ko ang atensyon niya at hindi nga ako nagkamali. Dahil nilingon ako neto at nakangiti parin ito. "Bumalik ka agad." Nakangising sabi nito.

"Creepy." Mahinang bulong ni Nicholas.

"Hinaan mo ang boses mo at wag mong ipaparinig 'yan kay Queen kung mahal mo pa ang buhay mo." Nakangiting sabi ko. "Tara na."




Nicholas' POV

Hindi ako makapaniwala. Gulat na gulat parin ako. Nakakatakot tignan si Mika. Parang hindi ko na ito kilala. Gusto ko man siyang lapitan ngunit hindi ko magawa. Nanginginig ang paa ko. Parang nauubusan ako ng lakas.

"Tara na." Rinig kong sabi ni Jan. Parang wala lang sa ito ang nagyayari kay Mika. Parang normal lang sa kaniya ito.

Ganito ba talaga si Mika? o hindi?


Sino ka ba talaga, Mika?


Hindi ko na namalayang nakalayo-layo na kami. Sinalubong kami ng mga kasamahan nila Kevin. Ubos na ata ang mga kasamahan namin rito dahil sa sobrang dami ng kalaban. Hindi ko kilala ang mga naglalaban ngayon dito at halatang mga taohan ito nila Kevin. Ginamot nila ako pati si Law. Inihiga nila ito sa strecher. May mga doctor na naririto. Oo nga pala nasa loob kami ng kweba. Marami-rami rin ang naririto. Karamihan ay mga sugatan.


"Unti-unti ng bumabalik sa dati si Queen, Zoey!" Masayang sabi ni Jan.

"Talaga?!"


"Oo! Alam mo ba, pinasabog niya ang bugo sa kalaban kanina, gamit ang baril ko?!" Hindi makapaniwalang sabi niya at ini-imagine pa ang nangyari kanina.


"Talaga?!" Manghang sabi nito.


Ano bang nangyayari?


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon