Chapter 73: Pool Party

148 10 0
                                    

Chapter 73: Pool party

[Warning: Not Edited]

Nicholas' POV

Agad akong pinabihis ng Doktor dahil ayaw kumalma ni Nica sa loob. Sigaw parin ito ng sigaw kahit nakabihis na ako ay hindi pa ito tumigil sa kakasigaw.

Binuksan na ng Doktor ang pinto at agad na pumasok kaya sumunod ako sa kaniya. Kita ko ngayon si Nica na nakahiga sa kama, nakabukha ang kaniyang mga binti. Kahit malamig rito sa loob ay kitang kita ko kung gaanong pinagpawisan ito.

Napalunok ako ng lumingon siya sa sa gawi ko. Kung makakapatay lang sana ang tingin ay kanina pa siguro ako nalulunod sa sarili kong dugo.

"WALANGYA KA! HALIKA DITO! ILABAS MO ITO!" napalunok ulit ako.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Pinapakalma si Nica ng ibang nurse dahil sa kakasigaw nito. Nakakaabala ito sa ibang pasyente sa labas. Pero si Nica ay parang walang pakealam dahil ang atensyon niya ay nasa akin.

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Sobrang higpit. "Walang hiya ka! Hindi na ako uulit!" Umiiyak na ito.

Parang dinurog ang puso ko. Kung alam ko lang ganito pala talaga ka sakit. Sana nag ampon nalang tayo. Ayokong nakikita kang nasasaktan ng ganito.

Inutosan na si Nica na umere at agad niya namang ginawa iyon.

"ARGGGGGG!!!" Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin ni Nica. Bumaon ang kuku nito sa aking kamay at hindi ko magawang magreklamo dahil wala ang sakit na ito sa sakit na dinadala ni Nica ngayon.

"Sige pa, Mommy. Ere pa."

"ARGGGGG!!" Dumudugo na talaga ang kamay ko.

"Mommy, ere pa—"

"ARGGGG—HO HO HO!"

"Nakikita ko na ang ulo. Sige ere pa."

"ARGGGGGG!!!"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ito lamang mag maririnig sa apat na sulok ng kwartong ito. Ang pasigaw na ere ni Nica at ang Doktor. Bahagya akong napapikit ng makita kong nahihirapan talaga si Nica.

"HO HO HO!"

"Mommy, ere pa." Utos niya kay Nica.

"WALANG HIYA KA NIC—ARGGGGG!!"

Umiiyak na ito. Naghalo ang pawis at luha niya.  Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinawakang mabuti ang kaniyang kamay. Hinalikan ko ito sa noo. " Kaya mo ito, baby." Hinalikan ko siyang muli. "Sorry. Sorry. Kung alam ko lang ganito pala ka sakit. Sorry." Paulit ulit kong sabi sa kaniya.

"Mahal na mahal kita, Nica." Bulong ko sa tenga niya. Patuloy lang siya sa pag ere.

Napalingon ako sa gawi ng Doktor ng marinig ko ang iyak ng anak ko. At pagkalingon ko ay nakita ko kung gaano kadaming dugo at ang ano ni Nic—

Sanay ako sa dugo pero—NASUSUKA AKO!

Tangina! Anong nangyari! Ang daming dugo!

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon