Chapter 69: Pag iwas

129 12 5
                                    

Chapter 69: Pag iwas

[WARNING: NOT EDITED]

Veronica's POV

Isang linggo na ang lumipas simula ang araw na 'yon. Hindi ko na sila nakita magmula no'n. Hindi ko na sila pinapasok ng mansyon. Araw-araw namang nandito si Tina at binabantayan niya talaga ako.

"Mommy!" Tawag ni Area sa akin.

"Mommy, nagluto kami nila Manang ng cake sa baba para sa inyo nila baby!" Oo alam na nilang buntis ako.

Paano kasi no'ong makauwi kami ni Kevin ay buhat buhat niya ako dahil sa panghihina at nakita kami ng lahat. Nagtanong agad silang lahat no'ong magising ako ay lahat sila ay nagtatanong ko.

"Aw ang sweet naman ng anak ko." Pinantayan ko ito tsaka hinalikan sa noo. "Thank you."

"Welcome, Mhie!" Akmang bubuhatin ko siya ng pigilan niya ako.

"No, Mhie! Magkakasakit si baby pag binuhat mo ako." Sabi niya sabay himas himas ng tyan ko.

Ngumiti lang ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. "Okay! Let's go."

Nang makababa kami ay nakahanda na ang lahat sa kusina. "Mik, dahan dahan lang sa cake. Kumain ka ng salad pagkatapos niyan." Tumango lang ako. Parang nanay ko naman itong si Tina. 

"WHERE'S MY PREGGY FRIENY!!" Kate scream in top of her lungs.

"Oh! Nandito na pala sila." Tina said.  Maliligo kaming lahat ngayon sa pool kaya naisipan kong imbitahan ang dalawa. 

"I'm in the kitchen!" I shouted. Narinig ko ang yapak ng dalawa na papalapit sa amin.

"Mika! I have a gift for the baby!" Kate said while raising both hands holding a large number of paper bags.

"Thank you." I smiled at her.

"Ano na naman 'yang dala mo, Kate?" Tanong ni Tina.

"Regalo nga diba? Bingi lang?" Mataray na sabi ni Kate na ikinatawa ko.

"Yaya, pakilagay ng lahat ng ito sa room ni Baby." Utos ko sa isa sa mga katulong. Tumango naman ito at kinuha ang paper bags sa kamay ni Kate.

"Gosh! Ang bigat no'n! Hindi man kang ako tinulongan ng isa d'yan!" Sabay irap ni Kate kay Jazz. Tumawa lang ito sa kaniya kaya napa-ira ito ulit.

"Mabuti at maaga kayong dumating." Sabi ko at umupo ng maayos. "Tulongan niyong maghanda ng pagkain sila Manang sa may pool." Utos ko na ikinaawang ng bibig ni Kate.

"Kung hindi kalang talaga buntis, lulunorin talaga kita sa pool." Sabi nito sabay irap. Nakakaraming irap na ang babaeng 'to. Tinawanan ko nalang siya saka umakyat pabalik ng aking kwarto upang makapagbihis. 

I'm going to ware my blue two piece dahil magpipicture picture kami mamaya at magagalit si Kate pag hindi kami naka matchy blue two piece. Binilhan pa nila talaga ako dahil alam nilang hindi ako aalis ng bahay.

Bumaba na ako at nagtungo sa pool. Nabakbihis na rin silang lahat. "Mommy, come here!" Sigaw ni Area. Nakangiti naman akong lumapit sa kanila.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon