Chapter 66

428 22 36
                                    

Chapter 66:


Veronica's POV

Abala ang lahat ng mga katulong sa pagluluto at pagpapaganda sa pool area dahil doon kami magcecelebrate mamaya sa pagkapanalo ni Erica. Inimbitahan ko sila Katelyn, Tina, Jazz, Kate, Evangeline.

"Area, Alistair don't run!" sita ko sa dalawa.

"Sorry, Mommy."

"Sorry, Mom."

"Jan, pick Katelyn up." Utos ko sa kaniya at tumango naman ito at umalis na.


I took my cellphone from my pocket and dialed Kate's number.

"Nasan na kayo?" I asked.

"Malapit na kami...iliko mo d'yan sa kanan, Jazz."

"Oo alam ko!"

"Pinapaalala ko lang." Natawa naman ako sa kanila. Kahit kailan talaga. Ang iingay.

"Mag-iingat kayo." Sabi ko. Umakyat na ako sa aking silid ng mapatapos akong makipag usap sa kanila.

Wala si Nicholas ngayon rito dahil may tinatapos sa opisina. Lately napapansin kong palaging abala ito sa trabaho. Kung dito naman siya uuwi, laging ginagabihan. 

Napabuntong hininga nalamang ako. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. I trust him.

Pumasok na ako sa loob ng walk in closet ko at nagsimulang maghanap ng susuoting swimsuit.

"Itong black kaya?" I said while looking at my two piece bikini. "Or itong red?" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko."

I look good in red kaya itong red na ang susuotin ko. Nang maisuot ko na ito ay agad akong humarap sa malaking salamin.

Napahimas ako sa sariling tyan. May maliit na itong bukol at mahahalatang buntis ako dahil sobrang liit ng tyan ko noon. Parang ang bilis lumaki ng tyan ko ngayon. Super healthy siguro ng baby ko sa loob.

"Excited na akong makita ka anak ko. Maging babae ka man o lalaki, mamahalin kita ng buong buo at hinding-hindi ko hahayaang masaktan kayo ng mga kapatid mo." Napangiti ako sa aking sinabi. Patuloy ko itong hinihimas. Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ko ng litrato ng sarili ko. "I love you, baby."

Napalingon ako sa likoran ko ng makarinig ako ng katok. "Mika pasok kami ah!" Narinig ko ang boses ni Evangeline sa labas ng aking kwarto. Dumating na pala sila.

Narinig kung bumukas ang pinto ng kwarto ko at ang yapak ng kanilang mga paa. "Mika?" Tawag nilang ulit sa akin.

"Teka nagbibihis pa ako." Sabi ko.

"Grabe ang laki at ganda ng bahay mo, Mika!" Manghang sabi ni Tina.

"Expected sa owner ng Moon." Rinig kong sabi ni Jazz.

"Ako din, alam kong si Mika yung may-ari ng Moon pero hindi ko inexpect na ganito talaga ka laki yung bahay mo, Mikmik!" Si Kate.

Napangiti ako sa naririnig ko. Agad akong naghanap ng jacket at unang nakita ko ay yung couple hoodie namin ni Nicholas kaya iyon nalang ang kinuha ko. Naghanap na rin ako ng maong na shorts at mabilis na nagpalit ng damit. 

 "Oh bakit naka ganiyan ka?" Tanong ni Kate sa akin ng makalabas ako ng walk n' closet.

Hinanap ng mga mata ko si Tina. Prente itong nakaupo sa single chair at nakangiting nakatingin sa akin. Nailang tuloy ako.

"Hindi ako pwede maligo sa pool eh." Pagsisinungaling ko. Ang totoo naman talaga ay ayoko kong magswimsuit dahil mahahalatang buntis ako. Hindi pa ako handang sabihin kay Nicholas ang tungkol rito.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon