Chapter 10 : Necklace

958 55 5
                                    

Chapter 10 : Necklace

Mikaela's POV

Nandito ako ngayon sa bintana ng silid namin ni Erica. Kakarating ko lang at namamanhid na ang mga paa ko at nagka sugat pa iyon.

Mag aalas 5:30 palang sa umaga kaya dahan-dahan ng umaangat ang araw sa kalangitan at naglikha ito ng napakagandang kulay sa mga ulap.

Sunrise

Naligo muna ako at nagbihis. Nilagyan ko rin ng benda ang paa ko at nagsuot na rin ng medyas. Para hindi kita.

Bumaba na ako upang magluto ng agahan ng lahat. Matapos kung magluto ay ginising ko na si Erica at baka mahuli pa iyon sa klase.

"Ate, kumain na tayo." Rinig kong sabi ni Hiro sa labas ng pinto namin ni Erica.

"Kuya Hiro!" Masayang tawag ni Erica sa kaniya. "Tara na ate." Pang-aaya nito.

"Nako, mamaya na ako, Hiro. Busog pa naman ako eh. Kumain kasi ako kanina sa kusina bago nagluto." Pagsisinungaling ko.

"Ganon ba? kami nalang ang kakain sa baba." Sabi pa nito at tumango naman ako.

Binuhat naman nito si Erica tsaka sila nagpaalam dalawa na ba baba na at kumaway muna ako sa kanila tsaka ko sinara ang pinto.

Hindi naman talaga ako kumain kanina, at mas lalong hindi ako busog. Ayoko lang talaga sumamang kumain sa kanila, lalo na't nandidiyan si Nicholas at baka umiyak lang ako sa harapan niya.

Pumunta nalang ako sa kwarto ni Lola Tere at nilinis iyon. Inayos ko na rin ang banyo upang maligoan ko si Lola Tere pagkatapos niyang kumain sa baba.

"Ate?" Rinig ko ang boses ni Erica mula sa pinto ng kwarto.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tapos na kaming kumain, sasabay na po ako kela Kuya Hiro. Ihahatid raw nila ako sa paaralan." Pag-papaalam nito. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Sige, magiingat ka. Pagbutihin mo sa paaralan ha at wag masiyadong maglikot." Bilin ko sa kaniya.

"Opo!" Sagot nito at humalik sa pisnge ko. Patakbo naman itong umalis dahil tinawag na ito ni Hiro.

Ilang sandali rin ay natapos na ako sa paghahanda. Maligamgam na ang tubig sa banyo kaya lumabas na ako sa silid ni Lola Tere at tinungo ang hapag kung saan ito ngayon.

"Lola, paliligoan ko na po kayo." Sabi ko sa kaniya.

"Oo iha at sobrang init na ng katawan ko." Sabi pa nito.

"Anong gusto niyong shampoo ang gagamitin natin ngayon? Yung vanilla, strawberry or yung blueberry?" Tanong ko sa kaniya.

"Yung blueberry." Sagot niya. "Okay!"

Sumakay na kami ng elevator at tinungo ang kwarto nito. Kung tinatanong ninyo kung may hagdan ba dito sa mansion ay meron po. Si Lola lang ang gumagamit sa elevator dito. Hindi naman pwedeng idaan sa hagdan yung wheelchair eh no?

Matapos kong paligoan si Lola ay binihisan ko na ito. "Anong gusto ninyong gawin ngayon, Lola?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto kong mag shopping kasama ka." Sabi nito.

Tumango naman ako. "Magandang ideya, Lola Tere." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Tinungo ko naman ang kwarto namin ni Erica at agad na ng bihis at inayos ang buhok ko. Messy bond lang ito pero bumagay naman sa akin. Nagsuot lang ako ng fitted na tshirt tsaka palda na hanggang tuhod, sinuot ko na rin ang puting sandal at inilagay sa sling bag ang wallet at cellphone ko.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon