Chapter 77: Just who the hell she is?

105 6 1
                                    

Chapter 77: Just who the hell she is?

Hiroshima's POV

ANG COOL!

Astig ni Ate Nica! Akalain mo 'yon? Ang iniidolo ko ay kaniyang mga kasamahan pala?

Lingid sa kaalaman ng mga kapatid ko ang pagkahanga ko sa Evil Brothers. Oo, Evil Brothers silang dalawa. Ngunit ang alam ko ay pinamumunoan nilang dalawa ang isang Mafia Group sa Japan na ang pangalan ay Hell Empress. Nagtataka nga ako kung bakit Hell Empress ang pangalan ng grupo nila.

"Astig!" Biglang sabi ni Kuya Chico.

"Oo nga! Akalain mo 'yon?" Hindi lang pala ako ang humahanga sa magkapatid na iyon.

Nandito kaming magkakapatid sa living room dahil naguusap sila Queen sa dining room.

"Just who the hell she is?" Napalingon kaming lahat kay Kuya Prince.

Napayuko ako. Sino ka ba talaga, Ate Nica?

Wala kaming alam. Kahit si Kuya Nicholas ay akala niyang kilala na nito si Ate Nica pero tignan mo ngayon, nakatunganga dahil gulat na gulat. Kahit hindi namin tanongin ay alam naming wala siyang alam sa relasyon ng Evil Brothers at ni Ate Nica.

Veronica's POV

"Okay." Sabi ni Ryoichi at tango lamang ang sagot ni Toshio. Sinabi ko sa kanila lahat ng plano para sa pagsalakay bukas ng gabi.

Tumayo na ako. "Maghanda na kayo dahil aalis na tayo."

"Hai!"

"Yes, Queen."

Dumeretcho na ako ng living room. "Maghanda na ang lahat dahil aalis na tayo." Sabi ko at nagsitayoan naman ang lahat.

Naglakad naman si Nicholas papalapit sa akin. "We need to talk." He said.

"No, we need to prepare because we're leaving any minute." Seryosong sabi ko.

"B-but.."

"How important is that? Hindi ba pwedeng sa susunod na 'yan?" Tanong ko. Yumuko ito.

"Yeah, you're right. Hindi naman ito importante." He said and gently grab my arm. "Let's see the children." Tumango naman ako sa kaniya.

_____________

"Aalis na talaga kayo, Mhie?" Tanong ni Area.

"Yes. Kayo na ang bahala sa mga kapatid niyo." Sabi ko at ginulo ang buhok nilang dalawa.

Niyakap naman ako ni Area. Sobrang higpit. "Come here, Alistair." Lumapit naman siya at niyakap rin kami.

"Promise me, Mhie." Sabi ni Area habang nayakap parin sa akin.

"Hmm?"

"Promise me na makakuwi pa kayo...."

"Yes-"

"Ng b-buhay." Natigilan ako sa sinabi niya. Mas lalong humigit ang pagkakayakap nito sa akin.

"I p-promise." at niyakap ko rin ito ng mahigpit. Hinalikan ko pa ito sa noo at ganon din si Alistair. Pinunasan ko ang mga luha ni Area.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon