Chapter 62: Reunion

369 17 8
                                    

Chapter 62: Reunion

Veronica's POV

Napaupo ako sa sofa dito sa loob ng Dean's Office dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Napapadalas na ang pagkahilo ko ah. "Queen, are you alright?" Blake asked.

"I'm just tired, Blake." Sagot ko sa kaniya.

"Tatawagan ko lang sila Kevin at ipaalam sa kanila ang nangyari." Sabi nito at pumikit lang ako.

"Gusto ko ng umuwi." Sabi ko. Hindi talaga ako okay. May kakaiba sa katawan ko ngayon. Nakakapagod sobra.

Hindi ko alam kung bakit ako napapagod eh wala naman akong nakakapagod na ginawa ngayong araw, except sa magalit nakakapagod 'yon pero hindi— basta hindi ko maintindihan.

"Okay ka lang ba talaga, Queen?" Tanong ulit ni Blake. "Hindi." Tipid na sagot ko.

Nilingon ko si Zoey na abala kakalinis sa mga bata. Tumahan na ang mga ito ngunit nakatulala. Mabuti nalang at mahimbing na natutulog sila Alistair dito sa mahabang sofa.

"Alessandra, Shakira." Nilingon ko ang dalawa. "Maraming salamat sa pagtatanggol niyo sa kapatid ko." Yumuko pa ako kaunti sa kanila.

"Queen—"

"Tumigil ka, Blake." Sita ko kay Blake ng akmang pipigilan ako sa pagyuko kanina.

"Wala 'yon, Ate Veronica." Sabi ni Shakira.

"Oo nga, Ate. May saltik talaga si Rosemary." Si Alessandra.

"Hindi namin kinaya ang kabaliwan niya kanina kaya pinatulan na talaga namin dahil ambabata ng binubully niya." Sabi ni Shakira habang nakatanaw kela Erica.

Napabuntong hininga nalamang ako. "Kung meron mang masamang balak si Rosemary sa inyong dalawa, sabihan niyo lamang ako at ako ang bahala sa kaniya." Sabi ko sa kaniya at tumango lamang sila at magkasabay na ngumiti.

Kalaonan ay nagpaalam na sila dahil may klase pa ang mga ito.

Isinandal ko ang aking katawan sa sofa at pumikit. "Blake, iidlip lang ako." Sabi ko. May sinabi pa ito ngunit hindi ko na marinig ng maayos dahil antok na antok na talaga ako.


Isang oras, isang oras na pala akong natutulog ng gisingin ako ni Blake. "Queen.....Queen. Kanina pa nandito sila Tres." Mahina ang boses nito.


Dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata. Unang naaninag ng mga mata ko ay ang pagmumukha ni Blake.


"Queen, narinig ko ang buong pangyayari kay Blake at Zoey." Napalingon ako kay Kevin. Tumango lang ako sa kaniya.


"Where's Tres?" I asked.

"Tres!"

"Tres!"

Magkasabay na tawag ni Kevin at Blake kay Tres. "What?" Tanong ni Tres. Napalingon kami sa kabilang gilid nakikipaglaro kela Alistair.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon