Chapter 54: The Truth

449 23 6
                                    

Chapter 54: The Truth

Zoey's POV

Matapos tumawag si Kevin ay agad akong pina-trace kay Thunder kung nasaan sila Kevin at Joshua.


"Here!" Napalingon ako kay Thunder. "Southeast." Sabi nito at mabilis naman kaming umalis. Kasama ko si Thunder at ibang taohan namin at may limang doctors rin kaming kasama.


"There!" Turo ni Thunder. Kaya mas binilisan ko ang pagtakbo at lumapit kay Kevin. Nanghihina na ito.


"Ang tagal mo naman!" Reklamo nito at mahina ko naman ito sinapak sa braso.


"Gago! Kasalanan mo 'yan dahil pabaya ka!" Sigaw ko sa kaniya.


"Bigyan sila ng first aid!" Sigaw ko at agad namang kumilos ang mga Doctor. Lumapit rin ako kay Joshua.


"Okay ka lang? Kaya pa?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti ito sa akin.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May sakit kaya ako? Hinawakan ko naman ang noo ko ngunit hindi naman ako mainit. Hinawalan ko ang iba't ibang parte ng katawan ko wala namang masakit, wala rin akong sugat.


Magpapacheck nalang siguro ako mamaya pagbalik namin.


"O-oo, kaya pa naman." Sabi nito tsaka mahinang natawa.


Binuhat na sila ng mga kasamahan namin at sabay sabay na kaming naglakad pabalik.


"Na saan si Maiko?" Tanong ko kay Kevin.


"Bumalik siya sa abandonadong gusali." Sagot nito at kinabahan naman ako.


"Kailangan kong pumunta don! Manganganib si Queen." Sabi ko.


Tatakbo na sana ako ng pigilan ni Kevin ang kamay ko.

"S-sa sama a-ako." Sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.

"Baliw ka ba?! Nauubosan ka na nga ng dugo!" Inis kong sigaw sa kaniya.

"Please, isama mo ako." Pagmamakaawa nito. Napabuntong hininga naman ako.

"Sige, bumalik muna tayo sa kweba at ayosin yang sarili mo, hindi ka pwedeng humarap kay Queen na ganyan ang mukha mo." Seryosong sabi ko at agad naman siyang tumango at binitawa ang kamay ko.

Dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.


Nagmadali na kami sa paglalakad pabalik sa kweba. "Thunder, puntahan mo na si Queen." Sabi ko at tumango naman siya at agad na tumakbo patungo sa abandonadong gusali.


Pagpasok namin roon ay nakita ko si Jared na nakahandusay sa sahig at pinagkakaabalahan ng mga Doctor. "What happened?" I asked.


"Sinaksak siya ni Maiko sa bandang puso." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Hiro.


Nilingon ko naman si Jared, wala itong malay. Nilingon ko sila Nicholas at bakas sa mukha nila ang galit na galit.


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon