Chapter 3

66.7K 1.7K 1.2K
                                    

Khione

A week after.

Sa isang linggo ng pagpasok ko sa Wesbech University, maayos naman ang naging takbo nito. Aside sa pagsisimula ng mga lessons at pagkakaroon ng mga assignments ay isa-isa na din kaming pinakilala sa iba't-ibang mga Organizations. There are Orgs na pang University-wide and for departments lang.

Ngayong hapon naman kami mag-iikot to get to know more of these Orgs dahil sinimulan na nila ang maghanap ng mga panibagong miyembro.

"Avila, tara na. Kain na muna tayo bago tayo mag-ikot." Hindi mo talaga mahahalata kay Maevis na mahilig ito sa pagkain dahil sa balingkinitan nitong katawan, kaya pag nakasama mo talaga siya ng lubusan magugulat ka na lang na kaya niya palang kumain ng pang-dalawang tao.

Siya nga yung sinasabihan ko na leftover eater ko dahil siya ang umuubos parati ng mga pagkaing hindi ko kayang tapusin. "We just ate at a café kanina, Maev."

"I know. Lunchtime na, that was my breakfast."

Napailing nalang ako sa sinabi niya at hinayaan siyang kaladkarin ako papuntang cafeteria. Buti nga at hindi ito crowded ngayon dahil wala talaga ako sa mood makipag siksikan para kumuha ng pagkain. Para namang bata na pumipili si Maevis dahil masarap naman talaga ang mga pagkain dito.

"Anong gusto mo Khio? Libre ko na para naman ngumiti ka diyan."

"Sure ka na diyan ha?"

"Bilis, baka magbago pa ang isip ko."

If you'd tell me that the first time I have met Maevis Almonte made me think of her as a rude jerk, may times na gano'n pa rin siya pero she's the kindest and thoughtful friend I ever have. Bigatin din kasi ito sa University since she's the daughter of a family that also owns one of the biggest companies to exist here in our country. Someday she'll take over their subsidiary company but for now she just wants to enjoy her education even if it will not align with the path that her family has given to her in the future. Ngunit kahit gano'n ang estado niya sa buhay, she remained humble and chose not to let anybody know about it aside from me.

"Baked mac and cheese nalang and water." Sagot ko, medyo gutom na rin kasi ako dahil hindi naman ako kumain ng kanin kaninang umaga. Etong babae kasi, inaya ako kumain sa Café Elarco, e gusto ko nga pumunta do'n sa karinderya malapit sa amin.

When we got our food, naghanap naman kami ng mauupuan, sana pala nag initiate na ako kanina dahil nagsisimula na ma-occupy ang mga tables dito sa loob.

"There's a table do'n o. Let's go." She says while pointing at a vacant table malapit sa entrance. Agad naman kaming naglakad papunta roon at nilagay ang mga gamit namin sa gilid.

"Pst. Khio."

"Ano?"

"May galit ka ba?"

Napakunot noo ako sa tanong niya, anong pinagsasabi nito? Hindi naman ako galit ah. "No. Bakit naman ako magagalit?"

"You're not usually like this, you don't talk a lot but I haven't seen you smile today."

Oh.

Ayon pala. Hindi ko rin alam, kaninang umaga kasi I woke up feeling really down without knowing the reason why. Maybe this is just one of my bad days so I just shrugged that thought off. I didn't know that it would deeply affect my mood today. "Hindi lang maganda ang gising."

"Edi ngiti ka na."

Inismiran ko lang siya at nagsimula nang kumain, hindi naman ito nagtigil sa pangungulit sa akin ngunit hindi ko nalang ito pinansin at naghanap nalang ng kung anong pwedeng kumuha ng atensyon ko.

Illicit Affair (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon