Chapter 17

47.4K 1.5K 2.7K
                                    

Khione

'Welcome Home and Congratulations Khione!'

Isang malaking tarp ang sumalubong sa amin after we landed sa plane, paglabas namin ay agad kong nakita ang mga Professors waving at us, while sina Elyzra, Maevis and Georgina ang nakita namin holding the tarp.

Napasapo naman ako sa mukha dahil natatawa ako sa kanila, parang pamilya lang na sinundo yung balik-bayan na kakauwi lang.

"Khione my baby!" Si Georgina agad ang sumalubong sa akin ng yakap, at talagang she threw herself in me dahil karga ko ito habang magkayakap kami. Good thing she's way smaller in figure and height kaya magaan lang ito. "I knew you could do it, I'm so proud seeing you at the big screen yesterday. Madami na ako'ng kaagaw dahil marami na nagkaka-crush sa'yo, hmp."

"At talagang tinupad mo yung sinabi mo na ikaw agad ang yayakap ha." Natatawa kong saad before putting her down.

"Of course, I always walk my talk."

Nagsilapitan naman ang mga Professors and congratulated me on winning, everyone barely breathed when they announced the winner last night kaya nagpasalamat naman ako dahil sa suporta nila. Isa-isa nila ako'ng niyakap well except for one.

"Tch. As far as I remember, hindi naman ganito ang reaction niyo from the previous winners." Muntik ko pa makalimutan na nasa likuran ko pala si Ms. Solana, na excite kasi ako makita yung mga kaibigan namin.

"Iba naman si Khio, she got closer to us. Selos ka ba?" Ms. Beliciana was the one who said that, tumingin naman kaming lahat kay Ms. Solana who got flustered after being asked.

"W-what? Why would I be jealous–"

"Oh salubungin din natin ng yakap, baka magtampo pa si Solana."

Napatawa na lang kaming lahat dahil yung Professors talagang yinakap pa si Ms. Sol na mukhang hindi inasahan ang ginawa nila, "Get off me! Ano ba! Beliciana I'm gonna skin you alive– Zafi! Jesus christ."

Sa huli wala na rin itong nagawa dahil patuloy pa rin sa pagyakap ang lima sa kanya, their friendship is one of a kind. That gave me the chance na malapitan sila Ely and Maevis.

"Khio, I'll be back. May kukunin lang ako sa van." Paalam ni Georgina, tumango naman ako as answer.

"Nuks, blooming. Mukhang may iba pang nangyari sa Barcelona ah?"

"Kung manahimik ka kaya diyan? Imbes na i-congratulate mo 'tong pinsan ko. hmp, Congratulations Khiooooo! I can't believe it! Mom said that she wants to see you today at the house kasi ipinaghanda ka niya ng simple lunch to celebrate your win, magtatampo 'yon if you decline." Elyzra pushed Maevis back and hugged me while saying that, parang aso't pusa pa rin 'tong dalawa pag magkasama, they never fail to make me laugh and sometimes worried with all their bantering.

"Oy! Sali ako— pasabi rin kay tita, sama ako."

Sumali nga si Maevis sa yakap so we're all huddled together like frogs. Ang clingy naman ng mga 'to.

"Nauna ka pa e hindi pa nga sumasagot si Khio, kapal."

"Okay okay, sasama ako. Diretso na ba tayo do'n?" I said as I pulled away from their embrace.

"Ah-huh, you can stay there until tomorrow para makapag pahinga ka rin. Mom says she misses you and wants to talk to you kasi."

"Okay, patulong naman ng luggage ko Maev."

"Oki doki, boss."

I noticed na nasa likuran pa rin pala namin ang mga Professors, but one certain Professor hasn't greeted me yet.

Illicit Affair (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon