Chapter 4

48.4K 1.6K 2.3K
                                    

Khione

Matiim kong pinagmasdan si Ms. Clemonte habang nagsasalita ito ngayon sa harapan, kung titignan nga ay parang walang nangyari sa kanya nung nasa copy room siya kanina.

She's too good when it comes to masking her emotions. The question is why?

I mentally cursed myself for asking that kasi alam that because of it, I'd be wanting to know her more.

Kahit hindi dapat.

She's my professor and I am just her student. There's a boundary that I shouldn't cross.

"Khione, Ms. Clemonte has been calling your name to come up on stage together with the rest of the new members. Punta ka na do'n."

Sa pagtutok ko sa kanya ay hindi ko namalayan na tinatapik na pala ako ni Talicia, at ng sinabi niya iyon ay agad akong napalingon sa mga kasama ko na nando'n na pala sa harapan at hinihintay na ako. Shuta nakakahiya ka Khio, pa VIP ka naman masyado.

Nang tinignan ko si Ms. Clemonte, she just glared at me from where she was standing which made me stand up from my seat and walk towards the stage. Pasensya na, I just got a little too deep with my thoughts. Napabuntong hininga rin ako pagkatapak ko do'n at nag palakpakan naman ang mga tao sa centre.

"Once again.. Congratulations and welcome to Wesbech's Visual Arts Organization!"

That was her ending statement before showing a little smile at the crowd and making her way downstairs, she dared not to look back at me as I saw her talk to Georgina. Baka magpapaalam na rin ito.

Hindi ko na nasilayan ito dahil lumapit naman ang mga ibang members para batiin at kausapin ang mga bagong miyembro. Nang subukan ko itong hagilapin, hindi ko na ito makita kaya naman ay nakaramdam ako ng konting pagkadismaya na hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kasi kami laging nag-uusap ni Ms. Clemonte katulad ni Ms. Vivien. Kaya walang rason na ganito ang nararamdaman ko matapos niyang umalis.

"Khione." Nakuha na naman ang atensyon ko ni Georgina na nakangiti sa akin ngayon. "Magsisimula na ang party, can you help me with something muna? May kukunin lang tayo sa office ni Professor Clemonte."

"H-ha? Sige po."

Aalis na sana ako para maglakad ngunit nagtaka na lang ako nang pinulupot niya ang mga braso niya sa akin. Nakangiti lang ito sa'kin at hinila na ako paalis. "What? let's go!"

Hindi na rin ako makasagot dahil akay-akay niya na ako palabas ng centre.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nandito na kami sa harap ng office ni Ms. Clemonte, lumuwag na rin ang pagkakapit ni Georgina sa'kin pero nakahawak pa rin ito sa braso ko. Kahit hindi ako komportable ay pinabayaan ko na lamang siya dahil ayaw ko naman na masaktan siya kung magrereklamo ako.

Naiintindihan ko kasi ang pagiging clingy niya kasi gano'n din ako.. kaso sa mga taong gusto ko lang. Hindi sa mga bagong kakilala.

"Um, Georgina? ano pala yung kukunin natin dito?"

"Professor Clemonte left right after she introduced the new members kasi and I wasn't able to get the flash drive which contains the slideshow of our previous years in the organization."

Napatango na lamang ako sa sinabi niya at hinintay si Ms. Clemonte matapos niyang kumatok sa pintuan.

When the door opened, Ms. Clemonte appeared in front of us and seemed shocked when she saw that I was here too. Nagpa lipat-lipat naman ang tingin niya sa aming dalawa until her eyes landed on Georgina's arms clinging to me.

Illicit Affair (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon