Chapter One

8.1K 112 10
                                    


Fourteen years and seven months ago 


"SIGURADO ka bang okay lang na iwan na kita rito?" tanong ni Veron kay Alaina. Ito ang naghatid sa kanya sa airport. There was a strain in her voice.

Si Veron ay isa sa mga personnel officer ng hotel at kaibigang matalik ni Alaina. Naging classmate niya ito nang nasa huling taon siya sa kolehiyo at doon nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. 

After graduation, Veron applied at Monica Hotel. Natanggap naman ito bilang personnel officer. Nagulat pa ito nang makita si Alaina sa hotel. Hindi nito inakalang magkakilala sila ni Nick. Iyon ang isa sa bahagi ng buhay niya na inilihim niya sa kaibigan. 

Hindi niya nagawang ipagtapat dito kung sino ang ama ni Drew. Hindi rin naman nagpilit si Veron. Katunayan ay lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa. Kaya naman gayon na lang ang pagkamangha ni Veron nang malamang ikakasal siya sa big boss ng hotel. Si Veron ang maid of honor niya nang ikasal sila ni Nick.

"No problem." She forced a smile. Niyuko niya ang relo sa braso. "Halos isang oras na rin lang ang ipaghihintay ko. Anyway, gamitin mo ang kotse ko sa pag-uwi mo sa probinsiya.

"Umiling si Veron. "I am imposing too much, Alaina. Nahihiya ako sa iyo. Saka isang linggo ang leave ko sa opisina. May sakit si Tatay."

"Ipinagpaalam ko na kay Nick na ipagagamit ko sa iyo ang kotse ko—"

"Huwag na," she said firmly. "Salamat nangmarami. Nahihiya ako sa iyo. Hindi ako nakatitiyak kung ano ang damdamin mo pagkatapos mong malaman ang lahat. Please, I don't want you to tell Nick about—"

Alaina waved her hand. "Wala akong sasabihin kay Nick. Pag-usapan natin ang bagay na iyan pagbalik naming mag-anak mula sa America, Veron. It hasn't changed a thing. You are still my friend. Now go. Baka abutan ka ng traffic sa highway."

She air-kissed her friend and waved good-bye. "Ingat sa pagda-drive. Tinalo mo pa ang bayaw ko kung magpatakbo ka ng kotse." Alaina was referring to Lance Navarro who was an international car racer before he married his wife.

Inihatid niya ito ng tanaw hanggang sa mawala sa karamihan ng tao. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya inaasahan ang pagkatuklas niya sa lihim nito. She was shocked herself. Natitiyak niyang iyon ang dahilan kung bakit hindi na tinanggap ni Veron ang alok niyang sumama ito sa kanya.

She had known Veron for years pero may hindi pa pala siya alam tungkol sa kaibigan. If truth be told, hindi niya alam kung paano pakikibagayan ang natuklasan niya. Pero hindi niya nais na maging judgmental. She was her friend. At kung hindi tatawirin ni Veron ang relasyong iyon ay mapapanatag siya.

Kung. Pero may mga pangyayari sa nakaraan na ngayon niya nabibigyan ng linaw. She shivered at the thought. Inalis niya sa isip si Veron. Hindi niya gustong guluhin ang isip sa natuklasan niya. She wondered what Nick would say if he'd learn the truth.

Niyuko ni Alaina ang relo. She had forty-five minutes to kill before her scheduled flight to Rome. Nagdalawang-isip siya kung sa departure area maghihintay o sa coffee shop.

The coffee shop won, being a coffee lover. Nilinga niya ang paligid at nakakita naman ng kilalang coffee shop ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan niya.

Pinili niya ang mesang di-kalayuan sa may entrada ng coffee shop. Nang lapitan siya ng service crew ay um-order siya ng cafe latte.

Ilang sandali pa'y hinihigop na niya nang marahan ang kape niya habang pinag-aaralan ang itinerary niya pagdating sa Rome. Tatlo hanggang apat na araw siya roon para sa photography contest. Kulang isang linggo rin ang lilipas bago niya muling makapiling ang asawa't anak.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now