Chapter Thirteen

3.4K 71 3
                                    


NAPASINGHAP nang malakas si Emmy. Hindi umabot sa puntong iyon ang mga haka-haka niya sa nakalipas na mga taon. Kahit si Philip ay hindi naman nagpahiwatig ng ganoon. Napatitig siya kay Leoncia.

"Ang... posibilidad na iyan ay hindi man lang sumagi sa isip ko, Mama!"

"Sa una ko pa lang pagkakita sa iyo ay alam kong hindi ka pangkaraniwang pasahero lang ng bus, Emmy. Kahit duguan ang damit mo ay alam kong mamahalin dahil naroon pa rin ang designer labels. Kahit ang suot mong sapatos ay alam kong hindi yaong imitasyong nabibili lang sa bangketa.

"At hindi minsan man sumagi sa isip ko na isa ka lang pangkaraniwang pasahero ng bus. You are cultured, kahit sa paraan mo ng pagsasalita at kilos. Lalo na nang makita ko ang hilig mo sa photography.

"I knew deep in my heart, you were not among the passengers. Pero ayokong pakinggan ang isip ko. Ipinanalangin kong huwag nang magbalik pa ang memorya mo. Kung kasalanan ko man iyon, patawarin mo ako..." Leoncia heaved a sigh.

"At doon sa sinabi kong maaaring may nagtangka sa buhay mo, it was just a slip of the tongue basing on your fear. But then we will never know. Unless ipalathala natin ang larawan mo sa mga pahayagan, kahit ngayong panahong ito. Natitiyak kong may makakakilala sa iyo lalo na kung babanggitin natin ang pangyayari halos labinlimang taon na ang nakalipas."

"No!" Emmy said vehemently that shocked the old woman.

May ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago iyon binasag ni Leoncia.

"Ikaw ang masusunod, Emmy. Lamang ay baka magbago ang isip mo sa sasabihin ko sa iyo..."

Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatitig sa matandang babae. Naghihintay sa sasabihin nito.

"You must have noticed and wondered but ignored it..."

"Ignore what?"

"Ang pilat sa tiyan mo..."

"Oh." Awtomatikong dumako sa tiyan niya ang kamay ni Emmy. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Habang lumalaki ang tiyan niya noong ipinagdadalang-tao niya si Zach ay napupuna niya iyon. Subalit ano mang isip ang gawin niya ay hindi niya matandaan kung bakit siya mayroon niyon.

Naisip niyang baka naoperahan siya sa appendicitis. Iyon din ang sinabi ni Philip sa kanya nang itanong niya iyon noon. Subalit nang ipanganak niya si Zach ay nalaman niya ang totoo.

"It's a caesarean scar, Emmy. The same scar na binuksan ng mga doktor nang ipanganak mo si Zach. The doctor told me about it. That you have given birth already to a child. Na mga taon na ang binilang ng pilat na iyon."

"A-alam ko ang tungkol sa bagay na iyan, Mama." She took a calming breath for a minute. Naalala niya ang matinding panlulumo nang matiyak niya sa sariling nagkaanak na siya maliban kay Zach.

"Alam mo? Sinabi ni Philip sa iyo?"

Emmy met Leoncia's eyes. "I may have not recovered my memory but I am not stupid," she said flatly. "Maraming mga tanong sa isip ko na hindi ko na nais ipakipag-usap kay Philip noon. Nararamdaman ko ang maraming pag-iwas. And I opted to keep everything to myself."

Philip had lied to her. Kung paanong ganoon din si Leoncia. Pero sa kaibuturan ng puso niya'y wala siyang makapang galit sa mga ito. Kinupkop siya at inaruga ng mag-ina. Sila ni Zach. Itinuring na totoong pamilya.

Isa sa mga bagay na lalong nagpapapighati sa kanya sa nakalipas na mga taon ay ang katotohanang may iba pa siyang anak. Malimit niyang isipin ang bagay na iyon sa gabi. Sinarili niya ang lahat ng sakit sa damdamin. The frustration of not being able to remember her own child.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now