Chapter Eleven

3.4K 81 1
                                    


LIHIM na pinagmamasdan ni Zach ang dalagita mula sa likuran. Katamtaman lang ang taas nito sa edad. But she was too slim to the point of malnutrition. Gusto niyang isipin na hindi ito kumakain nang tama. Pero ang probinsiya, kung masipag lang ang isa, mas sa menos ay hindi magugutom ang isa.

Ang luma at kupas nitong maong na hapit na hapit sa mga binti nito ay sa wari two sizes smaller. Malamang ay pinaglakihan na nito iyon. Kahit ang suot nitong T-shirt na malamang ay dating puti ay naninilaw na sa kalumaan bagaman malinis. Sa mga paa nito ay luma ring bakya.

But looking at her intent face, Zach was breathless. Walang babaeng kumuha ng atensiyon niya sa buong buhay niya maliban sa babaeng ito. Oh, well, this was the second woman that got his total curiosity and interest. Ang una ay iyong babaeng nakatagpo niya sa ferry.

Elisse had long straight hair na nakaipit ng pink plastic clamp sa likod ng ulo nito. Ang ilang hiblang kumakawala mula sa pagkakabuhol ay inililipad ng hangin at ilang beses nitong iniipit sa tainga nito upang hindi makaabala sa pag-asinta. Ilang beses itong sumipat at bumuwelo.

Mamaya pa'y tumaas ang kanang kamay at nag-akma na nitong ihahagis ang dart. Halos hindi humihinga si Zach habang lumilipad sa ere ang dart patungo sa target nito. Hindi niya kayang tingnan ang pagkabigo sa magandang mukha nito kapag hindi tumama ang dart sa target. Like a slow motion, sinundan ng mga mata niya ang dart habang lumilipad iyon sa ere patungo sa board. He uttered a silent prayer na sana ay manalo man lang ito kahit kauntingpremyo.

Saka pa lang nagpakawala ng hininga si Zach nang makitang bumaon ang dart sa board. At sa pinagsamang paghanga at pagkamangha ay nakita niyang sa mismong gitna tumama ang dart. Bull's-eye! Muntik na niyang hindi mapigil ang sariling pumalakpak.

Tuwang-tuwang pinalakpakan ng dalagita ang sarili. "Akin na ang teddy bear ko!" nag-aapurang wika nito sa may-ari ng booth.

Napuno ng disappointment ang mukha ng may-ari dahil natamaan ang malaking premyo sa isang hagis lang ng dart. Gayunman, agad naman nitong kinuha mula sa display ang pinakamalaking teddy bear at ibinigay rito.

Buong pananabik na niyakap ng dalagita ang malaki subalit mumurahing teddy bear na para bang iyon ay kauna-unahang pagkakataong magkaroon ito niyon.

Sa mga sandaling iyon ay isang damdaming hindi maunawaan ni Zach ang pumuno sa dibdib niya. Iyon ay ang pagnanais niyang ibigay rito ang bagay na maaaring makapagpapasaya rito. Itinaas niya ang camera at muling kinuhanan ito ng larawan sa aktong tuwang-tuwa itong niyayakap ang malaking teddy bear.

The flash caught the girl's attention. Napa-singhap ito. Ang ngiti ay simbilis ng kidlat nanaglaho at sa naniningkit na mga mata ay hinarap siya.

"Wala kang karapatang kuhanan ako ng larawan!"

"Kapag naipa-develop ko ay ibibigay ko sa iyo, kahit ang negative," he promised, giving her his irresistible grin.

Subalit sa wari ay walang epekto sa dalagita ang ngiti niyang pinagkakaguluhan ng maraming kababaihan sa paaralan niya. "Wala akong pakialam! Hindi mo ako dapat kinuhanan ng litrato. Ano ang malay ko kung isa kang—"

"Isang ano?"

Sandaling hindi sumagot ang dalagita. Nag-iisip marahil ng tamang salita. "Iyong... iyong mga naglalagay ng mukha sa Internet sa mga babaeng nakahubad!"

"W-w-what?" Ang pagkamangha sa sinabi nito ay agad na nahalinhan ng kaaliwan. He laughed. "Napakayaman naman ng iyong imahinasyon. Mukha ba akong—"

"Walang pinipiling mukha ang masasamang tao!"

"Hey, lady, don't get smart on me!" Pinagsamang iritasyon at amusement ang nasa tinig niya. "Kaibigan ako ni Caleb, ang apo ni Manong—"

Sa ikalawang pagkakataon ay pinutol nito ang sinasabi niya. "Kilala ko si Caleb," wika nito natumaas ang mukha. "At lalong hindi kita dapat pagkatiwalaan! Ano na nga iyong sabi nila sa ibong magkabalahibo?"

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now