Chapter Seventeen

3.9K 80 0
                                    


"IKAW!" bulalas niya at mabilis na binitiwan ang T-shirt at agad inayos upang matakpan ang humantad na tiyan. Umaasang dahil nakatalikod naman siya ay hindi nito nakita ang tiyan at ang ginawa niya.

Zach waved and smiled. "Hi, there."

"I-hi mo mukha mo! Bakit ka narito? Ano angginagawa mo rito?" singhal niya, simbilis ng kidlat ang ginawang pagtayo. "Paano ka nakarating dito?"

"Isa-isa lang ang tanong. Tinalo mo pa ang armalite, ah."

Sinulyapan ni Elisse ang kabayong nakatali sa isang puno sa di-kalayuan. Masyado ba siyang nag-emote sa kalagayan niya sa buhay at hindi man lang niya narinig ang pagdating nito?

Nakita ba nito ang pag-iyak niya na parang loka? At nakita ba nito nang suminga siya sa T-shirt niya na tila batang munti? Napaungol siya sa pagkapahiya.

"Kanina pa ako rito," ani Zach, puno ng kaaliwan ang mga mata. "Hindi ko sinasadyang manubok pero ayoko namang abalahin ang pag-e-emote mo. Nang makita kitang niyuko ang bangin, as if contemplating on jumping to your death, saka lang ako napahakbang."

"Jumping to my death?" she parroted. Bahagyang napahiyang nahinuha nito ang kalokohan niya bagaman 'di naman niya talaga gagawin. Nilingon niya ang bangin at itinuro. "Silipin mo nga ang bangin kung ikamamatay ko ang pagtalon diyan!" she said indignantly.

Nagkibit ito ng mga balikat. "Iyon ang tingin ko sa iyo. Super emote ka kasi kanina."

Umangat ang kilay niya at namaywang. "At sinonaman ang nagsabi sa iyong nag-e-emote ako?"

"Suminga ka sa T-shirt mo, ha," Zach said amusely. "Aawatin sana kita at ibibigay ko ang panyo ko."

May palagay siyang kasimpula na ng makopa ang pisngi niya sa kahihiyan. At ang walanghiyang lalaking ito at kailangan pa talagang ipamukha sa kanya iyon. At nakangisi pa.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo rito?"

"Navarro property ito ayon kay Mang Erning at guest kami ni Caleb nina Señor Franco..." Napakunot ang noo nito pagkatapos ng mataman nitong pagtitig sa kanya. "Totoong umiyak ka, ano?" he said gently. Too gently.

"Paki mo!" Ibinaling niya ang tingin kung saan na lang. Kahit saan basta huwag lang dito. Napasinghot siya sa banayad nitong tono. Na para bang nag-aalala ito sa kanya. Walang nag-aalala sa kanya maliban sa nanay niya.

"Huwag ka ngang masungit," anito. "Puwede naman tayong mag-usap nang hindi ka nakaangil."

"Hindi kita gustong kausap!"

"Eh, nag-uusap na nga tayo kanina pa." Naupo ito sa naroroong nakahapay na sanga ng kahoy, dalawang dipa mula sa kanya. "Ako nga pala siZach."

"Eh, ano ngayon?"

He almost rolled his eyes. "What's wrong with you? Galit ka ba sa mundo? Natitiyak kong hindi ka sa akin galit dahil nakikipagkaibigan lang naman ako."

"Namimili ako ng kaibigan at hindi ikaw iyon. Alin doon sa sinabi ko ang mahirap intindihin?"

"Ikaw ang mahirap intindihin," he said pointedly. "I am just trying to be friendly. Kaya huwag kang OA diyan."

Hudas na ito! "Sino'ng OA?"

Zach sighed. "Please. Can we speak softly, love?" Then he grinned. "Corny ko 'no? Kanta iyon."

Love? Did he just say "love"? She almost rolled her eyes. Sinabi na ngang galing sa kanta ang linya. Makulit ang lalaking ito. Hindi niya mapagkit-pagkit kahit nagsusungit siya. Kunsabagay, guwapo. My goodness, ito na yata ang pinakamagandang lalaking nakatagpo niya sa buong buhay niya.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now