Chapter Fourteen

3.6K 69 1
                                    


"MAY PILAT ako sa tiyan, Zach. That was even before I gave birth to you. Tinanong ko si Philip tungkol doon at kung ano ang sanhi, sa pag-aakalang siya ang aking asawa. Sinabi niyang naoperahan ako sa appendicitis..."

"But?"

"At first I believed him. Pero nang ipanganak kitaat ang mismong pilat na iyon ang binuksan ng doktor ay natanto kong isa iyong lumang pilat sanhi ng caesarean na pagpanganak..."

Napahugot ng hininga si Zach. "Ibig sabihin, Mommy, ay may naipanganak ka na bago ako!"

"It seemed so—"

Napaungol ito. "Mom! I have a brother! Or a sister! At hindi ko man lang sila makikilala!"

Napuno ng simpatya para sa anak ang damdamin ni Emmy. Lalo at posibleng dalawa ang naging anak niya bago si Zach. Hindi niya alam. Hindi niya gustong isatinig. Muli niyang iniyakap ang mga braso sa tiyan niya at muling tinanaw ang labas ng bintana. Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata niya.

Kung mayroon siyang ibang anak, ilang taon iyon mula nang mawala siya? Ilang beses niyang tinuos sa isip ang edad ng bata at inihambing sa maaaring edad niya.

Ang una niyang anak ay maaaring sanggol o bata pa lamang nang mawala siya. Hinanap kaya siya nito sa gabi? Umiiyak ba ito lagi? Sino ang naroroon para sa anak niya kapag nagigising at hinahanap siya?

A sob came out involuntarily out of her throat.

Mabilis siyang nilapitan ni Zach at hinaplos sa likod. "Don't despair, Mom. Baka magbalik ang memorya mo..."

Tumango si Emmy at sapilitang ngumiti. Nawawalan na siya ng pag-asang mangyayari pa iyon. Maaaring tama ang doktor na may mga case ng amnesia na ang pasyente ay hindi na nakaaalala pang muli.

"Kaya nga pala kita pinasok dito ay para sabihin sa iyong maaga nga pala akong mag-e-enroll bukas." Pinasigla ni Zach ang tinig. "Binigyan na ako ni Lola ng pang-tuition at huwag na raw akong manghingi sa iyo."

"Gusto mong samahan kitang mag-enroll?"

"Mom!" He looked horrified. "Kaya ko iyon. Noong nakaraang taon ay katakot-takot na kantiyaw ang inabot ko sa mga classmate ko nang makitang kasama kita. Para naman akong bata niyan..."

"Okay!" Nakatawang itinaas ni Emmy ang mga kamay. "Soon, sasabihin mo sa aking huwag na kitang yakapin at hagkan sa pisngi."

"Aw. That's not gonna happen," Zach said guiltily.

"I should hope so." At nang nanatiling nakatayo roon ang anak ay nagsalubong ang mga kilay niya. "May iba pa?"

Napakamot ng batok si Zach. "Nagkausap kami ni Caleb sa cell phone kagabi, Mom. Ipinaaabot nga pala niya ang pakikiramay sa atin. At inimbitahan niya akong muli sa kanila. Gusto kong sumama sa kanya pabalik sa isla..."

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya. "Why?" Nilingon niya ang mga larawan. "Alin sa mga babaeng iyan ang dahilan?"

Hindi siya makapaniwalang nais nang manligaw ang anak niya. For crying out loud, Zach was only fourteen going on fifteen!

"Well..." He grinned sheepishly. "Definitely, umaasa akong makikita kong muli si Elisse. Pero ang totoong dahilan ay nangako ako kay Señor Franco na babalik ako upang kuhanan silang mag-asawa ng larawan. Iyon daw ang iregalo ko sa kanila sa anibersaryo nila."

"Really?" Hindi niya gustong maniwala, ang mga mata niya'y nakatuon pa rin sa litrato ni Elisse sa mesa. She must be around twelve... thirteen. Goodness. Young people nowadays.

"Mommy, nagsasabi ako ng totoo!" Idiniin nito ang mga salita. Kinukuha ang atensiyon niya mula sa pagkakatitig sa larawan.

Nag-angat siya ng mukha at hindi niya maawat ang malapad na pagkakangiti sa anak. Kumislap ang mga mata sa kaaliwan. "I believe you, of course."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartOn viuen les histories. Descobreix ara