Chapter Seven

3.5K 71 8
                                    


"HAVE we met?"

This time Zach chuckled. "Don't you think that is an old line? And since I am young, gasgas na ang linyang iyan. Anyway, my name's 'Zach.'" Itinaas niya ang kanang kamay rito.

"Don't be silly," anito, ignoring his hand. "You know, there's something familiar about you.'Can't place it. Must be your smile."

And before Zach could utter another smart retort, umangat ang isang kamay ng babae patungo sa kanya. Sa wari ay hahawakan nito ang ulo niya. Subalit bago pa man makalapat ang kamay nito sa buhok niya ay nasa likuran na niya sina Gillian at Caleb.

"Hey, Zach." Possessively, ikinapit nito ang braso sa kanya at bahagyang hinila paatras. Ang kamay ng babae ay bumagsak sa tagiliran nito. "Tara sa likod nitong ferry. Mas maganda ang view roon."

"Magandang hapon, Miss Drew," bati ni Caleb.

The woman blinked. Mula kay Zach ay ibinaling nito ang tingin sa binatilyong tinawag ito sa pangalan.

"I'm sorry but I don't think we've met, young man."

"Apo po ako ni Mang Hilarion. Iyon pong dating katiwala ninyo sa asyenda..." Nilingon nito si Gillian at si Zach. "Pinsan ko po, si Gillian. At si Zach ay classmate ko naman. Mamimiyesta po siya sa Santo Cristo." 


TUMANGO si Drew at muling inilipat ang paningin kay Zach. He must be between thirteen to fifteen. Tall at his age. Shaggy hair. Inistilo ang gupit na tila yaong sa mga Japanese teenager na nasusulyapan niya sa television, spiky sa top.

He was a little bit lanky. But muscles had started to form. Girls would drool. In time, this young man would leave a trail of broken hearts. Ang dalagitang nakakapit sa braso nito ay tila nagbabadya ng pag-aangkin na gusto niyang mapahalakhak. Then without a word, she turned and walked toward the other side of the ferry.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya sa ilang sandali. She had wanted to ruffle the boy's hair. Nilingon niya ang dalawa. Nakalingon din sa kanya ang binatilyong lalaki. Napangiti siya sa halip na mainis, and winked at him playfully.

Kapagkuwa'y naulinigan niyang may bumati sa kanya mula sa grupo ng mga pasaherong nakaupo sa benches sa gitna ng ferry pero hindi na niya iyon pinag-ukulan ng pansin at tuloy-tuloy sa kabilang dulo ng barandilya. May ilang sandali niyang tinanaw ang laot nang mula sa sulok ng mga mata niya ay matanaw niya si Jace. Her heart took an overdrive. 


"SOBRANG flirt naman ng babaeng iyon!"

"Dahil lang kinindatan niya ako?"

"Alam kong flirt ang babaeng iyon... isang playgirl."

"Oh, yeah?"

"Hindi ka ba nagbabasa ng society page sa mga peryodiko? Siya ang famous playgirl. Kung tagurian ng press ay 'wild heiress'..."

Umangat ang mga kilay ni Zach.

"Sobrang yaman. Pag-aari ng grandfather niya ang Alta Tierra na ang laki ay halos kalahati ng buong islang patutunguhan natin. Ang ama niya ay nagmamay-ari ng hotel chain, dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, bukod sa iba pang negosyo. Ang Hacienda Monica ay breeder ng imported na mga kabayo. Isa rin ang father niya sa stockholders ng rum distillery sa Santo Cristo."

"Wow," exclaimed Zach. "Isang opportunidad palang makilala ko ang magandang babae."

Umirap si Gillian. Nagpatuloy sa litanya. "Balita na higit na mayaman ang kanyang ama kaysa sa kanyang lolo. Spoiled brat ang babaeng iyon. At nagpapalit ng boyfriend na tila underwears. Nakapagtatakang sumakay siya sa ferry. Malamang kapritso."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now