Chapter Sixteen

3.8K 70 4
                                    


FRANCO frowned. May ilang beses na inayos ng don ang salamin sa mga mata. Hindi pa nasiyahan ay itinaas ang album at sinipat nang husto. Napahugot ito ng hininga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa album. Hindi pa nasiyahan, tinuklap nito ang plastic at inalis ang larawan mula roon.

"Careful," babala ni Beatriz. "Baka mapunit mo, luma na iyang larawang iyan."

Mula sa pagkakatitig sa larawan ay niyuko siya ng asawa. "Bea..." Franco stared at his wife with disbelief in his eyes. "Sinadya mo bang ipakita sa akin ito? May nais ka bang ipahiwatig?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi ko alam, Franco. Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin. Pero kaninang nanananghalian tayo kasama ang dalawang binatilyo ay nagtumining sa isip kong pamilyar sa akin ang bata. Kahit noong una ko siyang makita. Lamang ay hindi ko gaanong binigyan ng pansin. Kanina, sa kaiisip ko ay kumislap sa balintataw ko ang album mo."

Franco was incredulous. "Ano ang maaari kong isipin dito, Bea?"

Nakita niyang sunod-sunod ang pagtahip ng dibdib ng asawa. "Don't jump to conclusion, Franco," saway ni Bea. "May mga taong magkakahawig. Ipinakita ko lang sa iyo ang larawang iyan. Napukaw lang ang kuryosidad ko. Wala akong ibang iniisip." She half-lied.

"Damn it, that boy is my spitting image when I was younger! Sa mga anak at apo mo ay si James lang ang kamukha ko. Subalit ang batang iyon ay parang ibinakat sa akin. Take that boy's picture in black and white. Itabi mo rito sa mga larawang narito, and he could have been me!"

"I thought so, too," sang-ayon niya. "Kung tutuusin ay mapagkakamalan mong anak ni James at Chantal si Zach." Then she smiled drily. "At kung hindi tayo magkasama sa America nang mahigit sa labinlimang taon ay baka isipin kong anak mo ang—"

"Beatriz Navarro!"

She chuckled. Muli niyang itinuro ang dalawa pang larawang nasa album. "You were thirteen here. But look, hindi gaanong nalalayo ang hitsura mo rito sa batang iyon." Pagkatapos ay itinaas ni Bea ang nakabukas na album sa tabi niya at ipinakita rin sa asawa.

"Then this is Nick on his high school graduation with the boys and Jenny. Look at Nick's huge smile, darling. Wala man lang nakapansin ng bagay na iyan noong araw..."

Staring at the photograph, Franco said a little bit sadly. "Perhaps Monica did." He sighed poignantly as he thought of Nick's mother and Beatriz's best friend. "Subalit nanatiling tahimik si Monica. Itinago nang matagal ang katotohanan. Umaasang walang makakapuna."

"We never did. Not even Jerome." Itinuro ang larawan niya sa album na nasa kandungan nito. "At ikaw... tingnan mo ang larawang ito kung saan nakangiti ka. The way you twitched one corner of your lips upward. The resemblance is uncanny. And Nick's!

"Kahit kaninang kumakain tayo at ngumingiti ang bata, it kept nagging me. Totoong kahawig mo si James, but Nick inherited the way you smile. Iyon ang distinctive na namana ni Nick sa iyo... oh, well, aside from being stubborn."

But the joke was lost on Franco. Hindi agad ito makaapuhap ng salita. Ilang beses pinaglipat-lipat ang paningin sa mga larawan.

"Walang isa sa mga anak nating lalaki na naging kahawig kong totoo, Bea. Not even Nick. Ang genes ko ay namana ni James." Muli nitong sinipat ang larawan. "Oh, god, Bea, ano ang ibig sabihin nito?"

"Hindi ko alam, Franco. Pero hindi lang naman si Nick ang nagmana ng paraan ng pagngiti at facial expression mo kapag natutuwa at nalulungkot ka. Si Alvaro man at alam iyon ng lahat. Remember, they even teased Alvaro as your poor copy when he smiles?"

Wala sa loob na tumango si Franco at patuloy na tinitigan nang mataman ang sariling larawan.

"Kanina sa tanghalian, nang itanong ko sa bata ang kanyang ama ay nakita ko ang lungkot sa mukha niya. It was like looking at you years back. Hindi ko malilimutan ang naging anyo mo nang mamatay si Monica. I even thought then that you loved her so much..."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now