Chapter Ten

3.4K 79 15
                                    


"MAY NAKAHARANG sa daan. May nasiraan yata ng karomata," ani Nick na nagmenor. Inihinto nito ang Hummer may tatlong metro mula sa karomata.

Sumilip sa bintana ng four-wheel drive si Doña Beatriz. "Nabalaho yata, hijo. Babain mo nga at iyong dalawang bata ay nakatalungko saputikan."

"Tingnan mo kung ano ang maitutulong natin, Nick, at malamang na hindi tayo makaraan kapag hindi naalis sa pagkabalaho iyan," susog ni Don Franco.

Huminto ang Hummer ilang dipa mula sa nalubak na karomata at bumaba si Nick. Lumingon ang isa sa dalawang binatilyo nang makita siyang palapit. Nakilala niya agad ang apo ni Manong Hilarion. Napuna niyang nagsikuhan ang dalawang binatilyo at inginunguso ng kasama ni Caleb ang Hummer. He almost smiled.

"Magandang umaga po, sir Nick," bati ni Caleb na iniunat ang katawan mula sa pagkakatalungko. Ang mga mata nito ay nakatuon sa Hummer at agad na natanaw ang mga pasahero niya. "Pasensiya na po at nalubak kami."

"Ikaw pala, Caleb." Tumango si Nick at sandaling sinulyapan ang binatilyong kasama ni Caleb na nakatalungko pa rin at nakasilip sa ilalim ng karomata.

Maputik ang mga kamay nito sa pagpihit sa gulong na kahoy, sinisikap nitong alisin ang gulong mula sa axle. Napalatak si Nick. "Mahihirapan kayong ibalik ang gulong kung walang gamit."

"Napuna nga po namin," Zack murmured. Inalis nito ang sombrero at tumingala kay Caleb, squinting his eyes at the same time, dahil sa pagkasilaw sa pang-umagang araw. "Hindi sila makakadaan, Caleb, kapag hindi natin naialis ang karomata sa gitna ng daan." Tumayo na rin ito mula sa pagkakatalungko sa lupa. Nasa mga mata ang paghanga sa Hummer.

"Kaibigan mo ba ang kasama mo, Caleb?" tanong ni Nick.

"Si Zach po pala, classmate ko. Inimbita ko pong mamiyesta rito sa atin."

"Kumusta po kayo?" bati ni Zach na ang akmang paglalahad ng kamay ay agad na binawi nang mapunang pulos putik iyon. He grinned sheepishly.

Tinitigan ni Nick ang binatilyo. The boy must be around Caleb's age. Bagaman mataas itong di-hamak kay Caleb nang ilang pulgada. Lanky but handsome. His eyes on the boy lingered for a while. Nagsalubong ang mga kilay ni Nick sa spike sa buhok nito. Napailing siya kasabay ng lihim na ngiti.

Young boys nowadays. Kapagkuwa'y bahagya siyang tumango bilang acknowledgment. Pagkatapos ay muling ibinalik ang pansin sa nabalahong karomata.

"Ang mabuti pa ay kalasin na lang ang karomatamula sa pamatok ng kalabaw at pagtulungan nating hilahin sa tabi..."

"Nakakahiya po sa inyo, sir Nick. Pasensiya na po. Kasama n'yo pa po yata si Señor Franco at si Doña Beatriz." Hinayon nito ang Hummer. Mula roon ay natanaw nilang bumaba si Don Franco na marahil ay nainip, bitbit nito ang tungkod.

Instinctively, mabilis na lumapit si Zach nang mapuna ang maraming balaho na dadaanan ng don.

"Ingat po at baka kayo mabalaho." Pinunasan nito ang isang kamay sa pantalong maong at saka inalalayan ang don upang makatawid sa halos kumpol na mga balaho.

"What a fine young man," Franco muttered, smiling.

Tahimik na nilingon ni Nick ang ama at si Zach. Despite the spiked hair, the boy had good manners. A young gentleman. Kapagkuwa'y ibinalik niya ang pansin kay Caleb.

"Huwag mo kaming alalahanin. Hindi rin naman kami makakaraan kung hindi ko kayo tutulungan." Tinungo ni Nick ang kalabaw upang alisin sa pagkakasabit ang pamatok. Halfway to the animal, he stopped on his tracks and turned, tinitigan si Zach na naihatid na sa tuyong bahaging lupa si Don Franco.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now